Kabanata 6

21 0 0
                                    

Shorts with my turtle neck top and sneakers plus my wallet and phone. And I'm ready to go! Nagsuklay ng konti at nag-pabango. Lumabas ako at naglakad-lakad. Nang matanawan ko na ang aking pakay ay tumawid akong muli.

Habang naglalakad ako papasok ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Dahil na rin sa iritasyon ay sinagot ko na rin ang tumatawag.

"What?! I'm busy!" singhal ko sa kabilang linya. Bad timing kung ngayon mangungulit si Diamy, masisinghalan ko talaga sya.

"Sisa? Are you mad? Ipapaalam ko lang sana na dyan ako sa condo matutulog mamaya. I miss you!" Nakalapit na ko sa counter ng ma-realize kong si Bobby yung tumawag.

"Ahh, okay Bobby. I miss you too. See you later!" paalam ko sa kanya. Bakit pa sya magpapaalam sakin kung matutulog sya sa condo? Hindi naman ako may-ari nun.

"One black americano please." order ko habang kumukuha ng pera sa wallet.

"Copy. What's your name mam?" tanong nung crew.

Naiirita na ko. Kailangan ko ng uminom ng kapeng iyon nang mawala yung badtrip ko. Ang dami pang satsat!

"I'm Sisa, okay?! Will you just give my fucking coffee?!" sabay baba ng bayad. Buti sakto yun at hindi na nila ko kailangang suklian.

Napansin ko naman ang ibang staff na nagulat sa pagsigaw ko. Okay, wala akong pake sa inyo. Badtrip ako!

Umupo na ako sa favorite spot ko; yung pwesto kung saan nakikita ko yung mga naglalakad sa labas. Favorite coffee shop ko ito simula palang nung mag-college ako. Pag gusto ko mag-unwind ay ito ang tambayan ko. Ewan ko ba pero nare-relax ako pag pinapanuod ko ang mga taong palaging nagmamadali; nag-aapura sa mga bagay na pang lupa. Samantalang ako dito, pakape-kape lang.

Hindi ko rin mapigilang hindi mag-isip. Bakit ang malas ko ata ngayon? Umpisa palang ng 2nd sem, kung sinu-sino na mga nakabangga ko at mga lalake pang mukhang kili-kili ni Kingkong. Hindi kaya dahil kay Jerry? Hiningahan nya ko ng pagka-baho nung first day at nag-goodluck pa kaya nagkanda-leche ang araw na yun. Well, hindi naman siguro. Sa tinagal-tagal na paghinga ni Jerry sakin, ngayon lang ako minalas. Anong year ba ngayon? Ahh! Year of the monkey!! Kaya pala halos puro mukhang unggoy ang sumisira sa araw ko!

"Miss Sisa, here's your black americano. I hope you enjoy." sabi ng nag-serve ng order ko. Ang husky ng boses ah? May crew palang ganyan ka-husky ang boses. Dahil nga nakatayo siya, hindi ko na sya tinapunan ng tingin. Ayoko ngang tumingala.

"And I'm sorry." Napatigil ako sa paghahalo ng kape dahil sa sinabi nya. Kusang tumingin ang aking mga mata sa taong kaharap ko ngayon.

"I'm really sorry. Sorry kung di ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya natapunan kita ng kape last week." dagdag pa nya.

Napatigalgal naman ako sa nangyayari ngayon. Tinitigan ko sya ng maigi. Oo! Sya nga yung nakatapon ng kape sakin! May pagkakahawig nga sila nung mukhang kuko ni Kingkong sa gym. Hindi ko maipagkakaila na gwapo ngang tunay itong lalake sa harap ko. Napaka-manly pa ng dating nya. From his curly hair to his jawline, nganga ang lola nyo! Masasabi kong mas maamo at mukhang mabait sya kumpara sa mukhang kuko ni Kingkong. May pagka-matapang kase ang kagwapuhan nun kaya mas mukhang maangas. But nevertheless, may pagkakahawig nga sila!

"So, ikaw pala yun? Na pagkayari akong bigyan ng pera ay nilayasan ako agad-agad?" Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Iniisip nya sigurong galit pa rin ako sa kanya.

"Oy, ang seryoso mo naman! Joke lang! Hindi na ko galit sayo." Nakita ko namang napangiti sya.

"Let's get over with that issue. Let's make a new start." ngiti nya sa akin at naglahad ng kamay. "I'm Basi Leo Saavedra, 21, businessman." Yay! Ang gwapo ng boses!

Inabot ko naman ang kamay nya at nagpakilala. "Sirein Sabel Tiongson, 19, business management student." sabay ngiti ng matamis.

This will be a great day!

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon