Kabanata 7

17 0 0
                                    

Naglalakbay ang aking isipan habang nakikinig sa pagtuturo ni Prof. Batungbakal. Hindi mawala sa isip ko ang gwapong mukha ni Leo. Leo nalang daw ang itawag ko sa kanya. Naikwento nya sakin na sya pala ang may-ari ng coffee shop. Feel free raw akong um-order kahit di na ko magbayad para naman daw makabawi sya sakin. Hindi naman kami ganun katagal nagka-usap dahil umalis na rin sya pagkatapos nyang sagutin ang nasa telepono.

Nakakatuwa syang kasama, parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Nakikita ko sa kanya si Kuya Miguel; grabe nami-miss ko na yung barakuda na yun! Kung sa umpisa parang kinikilig ako kay Leo pero narealize ko rin na parang kapatid pala ang pakiramdam ko sa kanya. Yung pakiramdam na feeling ko palagi akong safe pag sya ang kasama ko. Alam kong magiging mabuting kaibigan si Leo para sakin plus lagi pa kong may free coffee sa shop nya, yay!

"Quiz next meeting, okay? Class dismissed!" sigaw ni Prof. Batungbakal. Ano raw?! Quiz na agad?! Hay, okay lang. Sa memorization naman talaga ako magaling, pwe.

Isinukbit ko ang aking bag at handa ng lumabas ng classroom pero bago pa ko tuluyang makalabas ng pinto, natanawan ko na ang isang makisig at matipunong lalaki sa bintana. Sa ayos ng kanyang pagkakatayo eh parang may hinihintay sya sa classroom na ito. And ting! Naalala ko sya! Sya lang naman yung mukhang kuko ni Kingkong sa gym dati!! Ano kayang ginagawa nya rito?! Pakshet, help me!

Inalabas ko ang cap sa bag ko. Buti lagi ko itong dala para na rin pananggalang sa init. Isinuot ko na yung cap na bigay ni Kuya Miguel sakin bago tuluyang lumabas.

Saktong paglabas ko ng room at dadaan na ko sa harap nya, bigla syang nagsalita.

"Nice try." pa-cool na sabi nya sabay hablot ng cap na suot ko. Ayan na, nagulo na yung buhok ko. Naging messy tuloy ng konti.

"You really are stupid ha? Sa tingin mo, pag nagsuot ka nito hindi kita makikilala?" sabay halakhak ng baritono nyang boses.

"Eh ano ba kaseng kailangan mo sakin? Kung iniisip mong magso-sorry ako sayo about sa nangyari dati, manigas ka." sabay irap ko sa kanya.

"Ohhh. Tough girl. Anong part ba sakin ang gusto mong tumigas? Try me tough girl." saad nya ng may pilyong ngiti sa labi.

"Akin na nga yang cap ko! Bigay ng Kuya ko yan!" pagbabago ko ng topic. May pagka-greeny rin pala itong si kuko.

"Oh, really? Sagutin mo muna yung tanong ko bago ko ibalik sayo 'to." sabay ngiti na nakakapanglambot. What the hell?

Namula ako sa sinabi nya na alam ko namang napansin nya.

"Okay fine. Change question." sabi nya sabay sumeryoso.

"Ano ka ni Basi? Ikaw ba yung babaeng matagal na nyang tinatago? Sumagot ka ng totoo." medyo may tigas at galit sa pagtatanong nya.

Nagulat ako sa tanong nya. Sino si Basi? Anong babaeng tinatago?

"Ano? Ililihim mo rin?! Wag nyo ng ipagkaila. Nahuli ko na kayo kahapon sa coffee shop. Sweet na sweet pa kayong nagkukwentuhan habang humuhigop ng kape!" angas nya sakin.

"Sinong Basi ba ang tinutukoy mo? Si Leo? Kase sa pagkakaalala ko, sya lang naman yung nakasama kong nagkape! Saka anong tinatago?! Ni wala nga kaming relasyon eh! See? Ikaw yung napagkamalan kong nakatapon ng kape sakin dati pero si Leo naman talaga. Gusto kong mag-unwind kahapon kaya ako pumuntang coffee shop then nakita nya ko at nag-sorry. Malay ko bang sya may-ari nun! Kung nakita mo kaming masayang nagkukwentuhan, it is just a closure."

Nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Oh, I see. Alam kong hindi papatol sa isang katulad mo si Basi. I know what his type. Malayong-malayo sa isang katulad mo." sagot nya sabay hagis ng cap ko.

"Okay, thanks for the chit-chat. See you tomorrow baby." paalam nya habang naglalakad na patalikod at kumakaway.

What just happened?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon