Kabanata 1

45 3 0
                                    

"Hay! Natapos rin sa wakas." saad ko matapos makalabas sa karagatan ng tao dito sa Registrar.

Abot ang paypay ko sa sarili ko dahil na rin sa walang tigil na pag-agos ng aking pawis, OA much. Hindi kaya mamaho ako nito? Well, never naman akong bumaho in my entire existence. Salamat rin sa pamaypay na pamigay kanina sa bangko dahil napapakinabangan ko ito ngayon. Thank you BDO! You really find ways, charot!

Kung kailan ba naman isang sem nalang ako sa unibersidad na ito saka pa na-late naipadala ang pera na pang-tuition ko sa bank account. Naabutan tuloy ako ng mga nagbakasyon na ngayon palang mag-eenroll.

Si Tiger Dora talaga, hay! Siguro'y kinalkula niyang maigi ang ipadadala saking pera; walang mintis, walang kulang. Pero kahit ganun yun ay mahal ko si Nanay Teodora A.K.A. Tiger Dora.

Paanong hindi magiging karagatan ang mga nagbabayad ngayon eh dalawang araw nalang, pasukan na naman! Maigi kong pinagmasdan ang kabuuan nito. Grabe, nakakasilaw sa init! Masasabi kong masaya naman ang tatlong taon at kalahati kong pamamalagi sa unibersidad na ito. Masaya, mahirap at mainit!

Pag talaga nakatapos na ko sa kurso kong Business Administration Major in Utang Dito, Utang Doon este Major in Business Management, magtatayo ako agad ng business na matagal ko ng pinapangarap. Pero sa tingin ko, bago matupad yun eh makakailang job experience, tipa sa computer at ipon ang kailangan kong gawin para makamit yun.

Nako! Baka magkakanda-kuba ba muna ko bago maka-ipon ng sapat na halaga. No hell way! Maisip ko palang na mangungulubot ang precious kong balat ay hinihintakutan na ko.

"Baliw! Bakit mo kase iniisip agad yun eh hindi ka pa nga graduate?!" wika ng maliit na tinig sa aking isipan. Nako! Si Lili Conscience yun. Yes, pati konsensya ko pinangalanan ko na rin.

Okay, madlang people. Back to present. Ito na nga. Tinatanaw-tanaw ko na yung pangarap ko. Nakikita ko na sa malayo ang pangarap kong café. Omg. Naaamoy ko na yung aroma nung frappe na ise-serve ko sa future customers ko. Sarap mangarap, libre kase. Hay.

Holy Guacamole! Napaigtad ako sa init na lumalapnos sa bandang braso ko. LOL, lapnos agad?! Teka, bakit mainit na frappe yung nararamdaman ko?

And what the hell of this world!!! Kaya pala amoy kape while I'm dreaming kase yung napaka-puti kong blouse na nakayakap sa sexy kong katawan ay tinapunan lang ng black coffee. Natawa naman ako sa isipan na sexy ako. Well, hindi naman talaga ako sexy pero hindi rin naman ako mataba. Sakto lang. I think baby fats tawag dito. LOL, baby fats in 19 years old college girl?!

"Hinayupak naman!!" sigaw ko. Sinong hindi mapapasigaw at magagalit sa init na nararamdaman ko ngayon. Idagdag mo pa yung kapeng nag-splash sa white blouse ko. Pakingshet!

All these years, ngayon lang ako nagalit ng dahil sa kape. I really love coffee. Caffeine addict ako. Walang araw na hindi ako umiinom ng kape. Kaya nga ang dream business ko is coffee shop diba? And I really love it kapeng mainit. LOL, magka-rhyme?

Hay, nako! Siguraduhin lang nung nakatapon na yan na branded yung kape na 'to na nagpa-dumi sa blouse ko. Mahal kaya 'to. For your information, Forever21 yung tatak nito and this was my gift from my brother. Worth it dapat yung kape na yan, leshe.

Ayan, kaka-day dream ko kung anu-anong kamalasan nangyari sakin. Tiningnan ko yung nakatapon at busy syang pinupunasan yung braso ko at yung blouse ko kung saan nag-splash yung black coffee nya. Matangkad sya, naka-university jacket sya na alam ko eh mga varsity lang ang meron and hindi ko matanawan yung mukha nya dahil medyo nakayuko sya and also because of his cap. Well, pake ko ba kung ano itsura nya?! Baka mamaya eh pinaglihi pala kay Kingkong yung mukha nya eh, mas mabwisit lang ako. Oh yeah, lait pa more!!

"Miss, sorry. Hindi kita napansin." abot pa rin ang punas nya sakin.

Nag-pintig yung tenga ko sa sagot nya. Wrong answer ka kuyang uy. Lagot ka sakin!

"Are you saying na kasalanan ko at maliit ako kaya di mo ko napansin?! Siguro naman dalawa rin ang mata mo at kung tumitingin ka sana sa dinaraanan mo eh hindi ako matatapunan ng kape mo!!" angas ko sa kanya.

Sabihin mo na lahat pero huwag na huwag mong idadahilan ang height ko. Hindi man ako katangkaran eh may utak naman ako, gagu.

Aba't ang ungas abot pa rin ang punas. Biglang tumunog ang phone nya and habang may kausap sya ay may kinukuha naman sya sa bagpack nya kaya medyo nakatalikod sya sakin. Hindi pa rin mawala ang pagka-banas ko sa taong na sa harap ko ngayon. Ngayon ko lang rin napansin yung Starbucks cup sa sahig. 'So, ito yung natapon sakin? Not bad.'  What the hell Sisa?! Yung brand pa rin yung iniisip mo?! sabi ni Lili Conscience.

"Okay, I'm on my way." sabay patay nya ng phone.

Bago ko matuloy makipagtalo kay Lili sa utak ko ay may inaabot si Boy Kape sakin. Sobre ba ito? Putspa. Kailan pa ko na-bobo sa pagkilatis ng isang bagay?!

"Miss, ito oh. Bili ka nalang ng bagong blouse. Again, I'm really sorry. I really need to go." sabay lakad takbo ni kuyang. Hanep, naiwan ako dito na nakatanga at nakanganga ang bibig.

Una, hinawakan nya yung kamay ko dahil ayaw mag-function ni Lili kaya hinila ni kuyang ang kamay ko at nilagay yung sobre. Ewan lang pero bahagyang nabawasan ang inis ko sa kanya. Hindi dahil sa sobre na alam kong may lamang pera kundi sa pagkakahawak nya sakin. Bakit nag-iba ang pakiramdam ko? Bakit parang kinilig ako? What the hell?! Lili? Lili?! What's happening to me? Where are you?! Help me!!

Pangalawa, nung lakad takbo na syang umalis ay hindi nakaligtas sa aking mapanuring mata yung mukha nya. Well, hindi naman buong mukha yung nakita ko, yung side or half face lang. Aba't parang may itsura si kuyang?

Pangatlo, napatungo ako sa sobreng nilagay nya sa kamay ko dahil may kasama palang panyo.

Pagtingin ko sa sulok ng panyo ay may nakaburdang.. "Basi Leo?"

What the heck!

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon