17

208 11 0
                                    


Mabilis na lumipas ang dalawang buwan..Masaya at enjoy sina Maine at Patricia sa bago nilang trabaho.Ganoon din naman si Valeen.

Sa nakalipas na nakaraang buwan,nagkasagutan na sina Sam at Pat.Sumunod naman sa kanila sina Valeen at Jerald.
Samantalang ang dalawa nasa getting to know stage pa rin sila.
Sina Alden at Maine.

At sa isang relasyon,hindi maiiwasan ang mga awayan,selosan at di pagkakaintindihan.
Sina Sam at Pat,,madalas silang mag-away dahil sa selos.

Puro mga maliliit na bagay na pwede namang daanan sa isang masinsinang usapan.

Kaya madalas ang takbuhan nila sa kani-kanilang mga kaibigan.

"My God,,Pat ano naman pinag-awayan niyo ni Sam?"
tanong ni Val sa kaibigan.
Nakikinig lang si Maine sa dalawa.

"E kasi may kumakalat na naman pictures na may kasama at kaakbay si Sam"naiiyak na sagot ni Pat.

"Patty,,hindi ko kayo maintindihan na magdyowa e,kung hindi si Sam,,ikaw naman ang nagseselos..Yung totoo? Wala ba kayong tiwala sa isat isa?"tanong ni Val.

"Meron naman"sagot ni Pat.

"Meron pero di buo..ganoon yun.
Kung mahal niyo talaga ang isat-isa,dapat hindi kayo nag-aaway ng dahil sa ganyan.
Alam mo yang selos,,number one na nakakasira sa isang relasyon yan.Okay lang naman na magselos pero hindi ganyan na sobrang OA ng dating.Bakit hindi nyo pag-usapan?"
sabi ni Maine.

Tuluyan ng napaluha si Pat.
At napag-isip isip na tama ang mga sinabi ni Maine.

"Dami mo ng alam e,no? Maine yung totoo kayo na b ni Alden?"
pabirong tanong ni Val.

"Hala,,nag-advise lang kami n? Grabe ka Valeen..ang advance ng isip mo.Di ba pwedeng dahil sa segment namin kaya ako maraming ntutunan?"sagot ng pinakabata sa kanilang tatlo na si Meng.

"O siya sabi mo e,,makareact ka naman..Soperrr!!"sabi pa ni Val.

"So,ano na plano mo Pat?"
tanong ni Maine.

"Hindi ko alam..Siya dapat ang unang kumausap sa'kin"
sagot ni Pat.

Sa kabilang banda,,,

"Pambihira Paps,,ano naman ang dahilan ng pag-aaway niyo ni Pat?"tanong ni Alden kay Sam.

"Selos na naman hula ko"si Jerald.

"E kasi naman,,makakita lang ng may kasama akong girls sa picture,,inaaway ako agad.
Di ba pwedeng baka edited lang o kaya mga nagpapicture lang?
Pero pag siya nakikita ko,maraming lumalapit na boys,,hindi ko siya maintindihan"
naiinis na sagot ni Sam sabay inom ng natirang juice sa baso.
Di kasi siya pwedeng uminom dahil may pupuntahan pa siyang event para mag host.

"Bakit hindi niyo pag-usapan?
Look Sam,,try mo magpaliwanag kay Pat,,pakikinggan ka naman niya"
sabi ni Alden.

"Teka Paps,,ikaw ba yung nasa picture?"tanong ni Jerald.

"Oo,,pero mga fans lang sila.
Alam naman niyang siya lang mahal ko e"pagdadabog ni Sam.

"Yun naman pala,sabihin mo sa kanya yan,Sam tiwala lang ang kailangan sa isang matibay na relasyon.Kailangan meron kayo niyan,,tiwala sa isat isa.Alam ko mahal ka din si Pat.Kasi di naman magseselos yan kung wala k lang sa knya..dba?"
sabi ni Alden.

Tinapik-tapik niya ang likod ni Sam.

"Pero siya ang umaway sa'kin diba dapat siya ang unang kumausap sa'kin at magsorry?"
tanong pa ni Sam.

My Better HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon