Tisoy?!!!!
Hala,hinalikan lang naman niya ako sa harap ng maraming tao.
Saglit na tumahimik ang mga tao dahil siguro sa gulat din nila sa sudden action ni Alden."Excited ako eh"
Nakangiti niyang sabi.
Natapik ko siya sa braso.
Para akong mabibingi sa mga sigawan at hiyawan.Lalo tuloy ako nawawala sa konsentrasyon ko..Richard!!! Nahihiya tuloy ako.Tinakpan ko ang namumula ko ng mukha sa mga kamay ko.
Na tinanggal naman ni Alden."Tumingin ka sakin,Love..Sabi mo you trust me"sabi niya.
"Oo pero di mo naman ako inorrient eh"sagot ko.
Nakangiting niyakap niya ako.
"Sorry..Wag kang magalit sa ginawa ko"paumanhin niya.
Niyakap ko din siya saka ngumiti narin."Hindi ako galit..Nagulat lang talaga ako Love..Ito na ba yung sinasabi mong paraan?"tanong ko.
He nods and smiled labas ang dimples..Natusok ko tuloy nakakatukso kasi e..chusera!
Natatawang tumingin siya sa akin and pecked my lips again."Ahm,,sensya na po at may sariling mundo na naman po sila"dinig kong sabi ni Val.
Sabay pa kaming natawa ni Alden.
Humingi naman kami ng pasensya.
Nagpatuloy naman ang presscon at salamat naman at mas okay na ang mga tanong.About sa movie,,kina Sam at Pat.Mga personal na questions for Val and Je.Mas relax n rin ako kasi hindi na binitawan ni Alden ang kamay ko so I feel secured..And safe.
"Last na lang na tanong para sa inyong dalawa ni Maine,,,Alden..Happy weeksary nga pala sa inyo..Ano yung message niyo sa isa't isa na hindi niyo pa nasasabi?"sabi ng isang reporter.
Napapangiting tumingin sa kin si Alden.
"Thank you po,,ako muna love ah"sagot ni Alden.
Tumango na lang ako.
Natawa pa ako ng sumenyas siya sa mga tao na tumahimik.
Ang kulit lang,,parang bata!Hinawakan niya ang kamay ko sabay lagay sa dibdib niya.
"Maine natatandaan mo ba yung sinabi ko sayong ikaw at ako.Tayong dalawa lang?"
Tanong niya.Napatango na lang ako kasi ang seryoso niyang nakatingin sa mga mata ko."Ikaw na hindi ko inakalang darating sa buhay ko.Ikaw na nagpakaba sa'kin nang unang magkita tayo.Ikaw na ipaglalaban ko kahit anong hamon pa ito.Ikaw na dahilan kubg bakit kumawala ang itinatago kong tunay na ako.
Ikaw na may mga matang di ko maiwasang titigan.Ikaw na hinintay ko ng kaytagal,dahil Ikaw pala ang ibinigay sa'kin ng maykapal..Oo Ikaw ang kahati ng puso kong wagas kung magmahal..At palaging kong sasabihin sayo,,Maine God gave me You..Mahal kita,,mahal na mahal kita 41 million times"
Seryoso pero nakangiti niyang sabi..Ene be?! Nakakakilig na nakakaiyak dahil dama ko ang senseridad sa boses niya.Tagos sa puso..Yan tuloy,,crayola na naman ako.."Alden,,may aaminin ako sa'yo.Wag kang tatawa okay?"
Panimula ko.
Nakangiting tumango siya."Nagsimula ang lahat sa isang sulyap.Sulyap mo na di ko inakalang babago sa buhay ko.
Yung kilig na,,mahirap ipaliwanag na kalaunay unti-unting umuusbong.Ang sulyap na naging titig.Hanggang sa dumating ang tamang panahon para sating dalawa,,di ko na naitago ang kilig na nadarama,,at napapaluha dahil sa lubos na ligaya..Ayan tayo eh,,a Beautiful Accident sabi mo pa,,na dahil kundi sa makukulit nating mga kaibigan na kasama natin ngayon,,hindi tayo magtatagpo.
Ikaw ang nagsagip sa'kin sa toreng matagal na panahon akong nakakulong.Mala-prinsepe kang dumating sa buhay ko,,at ngayon Mala-hari ka ng naghahari sa puso ko.
Richard,,hindi ko man madalas na masabi sayo kung gaano ka kahalaga sa'kin,,pero alam kong alam mo na ikaw ang lahat sa buhay ko..Mahal na mahal din kita..41 million times..At Richard God gave me you"sagot ko.

BINABASA MO ANG
My Better Half
FanfictionFeaturing Alden and Maine At makikigulo din sina Sam Yg at hbd girl Patricia Kasama din ang magugulong sina Jerald Napoles at Valeen Sa pagkahumaling q sa aldub eto po,at nakaisip na nman aq ng story..ehe nwindang kc aq sa better half introduce ni...