Chapter 2-New Masks

202 11 2
                                    

>>Harold<<

Habang maraming estudyante ang nagsisitakbuhan sa hagdan dahil nga excited. Kami naman tong sing bagal ng pagong sa kakalakad dahil pinagmamasdan parin ang hagdan. Sa pagkakaalam ko nasa 3rd floor ang Room namin.

*riiiiiiiiiiing*

Nang narinig naming tumunog ang bell ay tumakbo narin kami patungo sa aming silid-aralan.

Pagdating namin sa klase. Pumasok na kami at umupo . Magkakatabi kaming apat na umupo sa may likod.

"Ang ingay naman" Sabi ni Steve sabay tinakpan ang tainga.

"Puro chismis kasi! Hahaha intindihin mo na lang sila baka sinusubukan na nilang kilalanin ang isat-isa.!" Sabi ko.

Natigil ako sa pagtawa ng nakita kong may pumasok na babae sa pinto.

Natigil din yung iba sa pagsasalita at inayos ang kanilang mga sarili ng nakita kung sino ang pumasok.

Pumunta ang babae sa Harapan .

"Goodmorning Class I am your adviser . I am Mrs. Donita Cortez." Sabi niya.

Hindi pa siya gaano katanda. Kulay brown ang buhok . Maganda ang mga mata. Makinis din ito.

"So as we all know blah blah blah"

Hindi ako nakinig sa kaniya dahil nakatuon ang aking pansin sa aking mga kaklase.

Nilibot ko ang aking mata.

->_->

<-_<-

May magandang babae na kilos mayaman. May isa naman dun ang lakas kumain habang nagsasalita si Maam at wala siyang pakealam. May ibang nagmamake-up. May ibang nagkukuwentuhan. May ibang mahiyain at may ibang mga siga. Wait NGAYON KO LANG TO NAPANSIN AH! May kaklase pala kameng kambal. Isang babae at isang lalake.

"Napansin niyo bang may Kaklase tayong kambal??" Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Ano??!" Reaksiyon ni Margaux at Steve . Ngayon pa lang kasi kami nagkaclassmate ng kambal."oo nga nuh!Astig" sabi ni Steve

Nagulat ako ng nakita ko ang babaeng nakasalamin . Kaklase namin siya?

Tumingin ako kay denise!

Nakita kong tumitingin din siya sa babaeng iyon na nakaupo sa may harapan.

Ano bang meron sa babaeng ito?

*calling*

Cellphone pala ni Maam. Natigilan siya sa pagsasalita.

"Excuse me!" Sabi niya sabay labas sa pinto.

>>Denise<<

"Im sorry but I need to meet our principal. So thats all for now"sabi niya sabay buhat ng kaniyang mga gamit.

So its time to know each other. Kaclase namin ang nakabangga sa akin kanina. Parang may kakaiba sa kaniya.

Lumingon ako sa aking narinig.

"Den Congrats" nakangiting sinabi ni Margaux.

"Congrats para saan??" Sabay simangot.

"Hay nako . Ayan kase di nakikinig. Ikaw kaya ang nahalal bilang Secretary at ako ang Auditor." Sabi niya.

"Ano ?? " sabi ko sabay tingin sa pisara. At ayun nga nahalal ako ng hindi ko alam.

Ang dami na palang nangyari nung sandaling iyon?

SCHOOL ZONE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon