Chapter 7-Field Trip

144 9 3
                                    


>>Denise<<

Bigla na lang umagos ang luha namin ni Margaux.

"Sino ba kayo??!!" Sigaw ni Margaux.

Patuloy silang lumalapit sa amin habang patay-sindi ang mga ilaw .

"Ushhhttitiiyyaaushhhtitiyya"
Tanging mga salitang binibigkas nila!

Tinakpan na lang namin ang mga tenga.

Malapit na talaga sila sa amin ng biglang bumukas ang pinto at nakita namin sina Harold at Steve. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita.

Wala silang sinabi at bigla na lang nilang hinila ang aming mga kamay upang makalabas sa silid. Nang makalabas sa silid agad namang nilock ni Harold ang pinto.

Tumakbo na kame papunta sa silid namin. Nakahinga na kami ng malalim.

"Kanino mo nakuha ang susi?"
Tanong ni Margaux kay Harold.

"Kay Tiffany!"sagot ni Harold.

Sumimangot ako at nagtaka.
Dumating si Dianne!
"Oo at narinig ko ang plano nila" sabi ni Dianne.

Bakit naman nila gagawin yun?

"Umuwi na tayo" pagyaya ni Harold.

---
Palakad na kami papuntang gate at lumingon ako sa di malamang dahilan.

Nakita ko si Norie nakatingin sa akin.

"Oh bilisan na natin" sabi ni Harold sabay hawak sa mga kamay ko. Humarap ako sa kaniya. Nang lumingon ako muli nawala na si Norie.

Ano bang meron sa kaniya.?

---------

Nandito ako sa kama nagiisip.
Yung mga nagpakita sa amin at yung mga sinasabi nila!?

Atsaka kaninong kwintas bato?
"Kanino ba to nanggaling?"bulong ko sa aking sarili.

Bumaba na ako para kumain.

(Pagkalipas ng ilang araw)

>>Margaux<<

"Okay! Okay ready na ba ang lahat ng mga gamit niyo? Dahil ilang sandali na lang pupunta na tayo." Sabi ni Ma'am Donita.
Nakaparada na dito ang School Bus namin.

Kasama ko ngayon si Denise at Dianne.

"Oh Dianne bat parang di ka kumikibo ? Di ka ba masaya?" Tanong ko kay Dianne na kanina pa parang may iniisip.

"Parang nararamdaman akong hindi maganda!" Sabi niya.

"Teka sila na ba?"sabi ni Denise sabay turo kay Mathew na may bitbit na bulaklak para kay Blake.

Calling....
Cellphone pala ni Denise
"Ah sandali lang"sabi niya sa amin " Oh ma ? Oo andito --"

Nakatingin parin ako sa kanilang dalawa.

Teka ! BIGLA NANAMANG SUMIKIP ANG DIBDIB KO.

NAKITA KONG NAKATAYO ANG BABAENG NAKAPUTING BELO SA LIKOD NI MATHEW!

siya na ba ang susunod?

"Nakita ko!" Sabi ko kay Dianne.
"Ang ano??" Tanong sa akin ni Dianne.
"Ang --" natigilan ako.

"Okay! Pupunta na tayo kaya sumakay na kayo!" Sabi ni Ma'am Donita sa aming lahat.

"Ms.Divinagracia Hali kana?"sabi ni Ma'am kay Denise.

SCHOOL ZONE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon