>>Dianne<<
Hinila ko si Margaux papunta sa palikuran. Dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin.
"Teka ano ba talaga yung sasabihin mo??" Tanong sa akin ni Margaux.
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin. Natatakot na ako!" Sabi ko habang nanginginig.
"Bakit? Sabihin mo, handa akong makinig." Sabi niya namay tono ng pag-aalala.
"M-may m-mga bagay kasi akong nakikita na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko" sabi ko. Hindi ko namalayang bumuhos na luha ko.
"Gaya ng ?" Tanong ni Margaux sabay hawak sa dalawang kamay ko .
Napakatahimik sa loob ng CR tanging mga patak lang ng tumutulo na tubig mula sa gripo ang maririnig. Nakakabingi ang katahimikan.
"Gaya ng mga kaluluwa,sunog ang mukha , mga nakabelo at iba kung ano-ano pa" sabi ko.
"Ano ulet? Mga nakabelo?" Tanong niya. Ba't parang interesado siya.
"Oo. Mga babaeng nakaitim at puting belo" sagot ko.
"Ano??!" Gulat na gulat niyang sinabi. Biglang nagiba ang aura niya.
Kinabahan ako bigla dahil
Bahagyang nagpatay-sindi ang ilaw."Nandito sila" pabulong na sinabi ni Margaux at humigpit ang hawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko.
Biglang bumukas ang pinto sa isa sa mga cubicle ng cr.
Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras kami dahil nasa harap namin ang isang sunog na katawan na bitbit ang kanyang putol at sunog na ulo.
"TUUUULOOOONG!" Sigaw ni Margaux habang pilit na binubuksan ang pinto.
Ba't hindi mabukas bukas ang pinto???
Papalapit na siya sa amin. Nakita kong tumulo na ang mga luha ni Margaux.
Habang papalapit siya sa amin binibigkas niya ang mga salitang di namin naiintindihan.
"Usshhhhtititiyauusshhhtiya"Walang kami nagawa kundi sumigaw ng sumigaw.
"AAAAAAAAAAHHHHH"
Maliit na distansya na lang ang malalapitan niya na kami.
Pilit pa rin naming binubuksan ang pinto.
At ayun! Nakalabas kami at agad sinarado ang pinto upang di niya kame mahabol.
Hinihingal kame. Makalat ang buhok at pawis na pawis . Anong kailangan niya??
"HAHAHAHAHHA tignan niyo mga tanga!"
"Tignan mo sila oh"
"Nababaliw na ba sila?"
Mga linyang nanggagaling sa mga taong nakakakita sa amin na dumadaan sa hallway.
Inayos na namin ang aming mga sarili at pumunta na sa Classroom.
Sumalubong sa amin si Precious.
"Ahm anong nangyari sa inyo sa may CR? May masama bang nangyari ? Bat parang namamaga ang mga mata niyo?"sunod-sunod niyang tanong. Hay nako napakachismosa talaga.
"Huh? Sino naman nagsabi niyan sayo?" Pagkukunwari ni Margaux.
"Sa mga SOURCE ko!" Sagot niya. Hay nako pasource ka pa jan sabihin mo na lang mga kapwa mo chismosa.
BINABASA MO ANG
SCHOOL ZONE 2
HorrorNAKARAAN na 'di madaling takasan at takbuhan. SCHOOL ZONE II BY:StalkerCBM