Chapter 8-Shane's Laptop

170 14 7
                                    


"Ahm kasi--" natigilan at lumingon ako dahil narinig kung sumigaw sina Harold at Steve na...

"URSULA!"

Lumingon din ang mga kaklase ko.
Nagulat at nanlaki ang mata ko.
Nakita ko si Ursula na patawid na sa kabila at Ang Bus! Nasa loob ng BUS ang babaeng nakabelo. At nakaupo ang isang taong sabog ang ulo sa may upuan ng driver at parang naglalaro lang ito sa manibela. Umandar ang Sasakyan at Biglang.

"Ursula Wag!!" Sigaw ni Denise sabay takbo pero huli na ang lahat. Nasagasaan na si Ursula.

Tumakbo ako agad papunta sa BUS. Nakita kong wala na ang babaeng nakaitim na belo.

Napaupo ako at umiyak!

"Pero Bakit? Bakit si Ursula.?"
Sabi ko habang tulala pa ang mga kaklase ko.

Teka hindi maari ito!

*F L A S H B A C K*

"Teka sila na ba??" Sabi ni Denise sabay turo kay Mathew na may bitbit na BULAKLAK para kay Blake!

Nakita ko ang babaeng nakabelo sa likod ni Mathew .

*2 N D F L A S H B A C K*

"Exciting hindi ba? O siya siya at namimitas pa ako ng BULAKLAK" sabi ni Ursula at umalis na.

*E N D O F F L A S H B A C K S*

"Ang tanga tanga ko talaga!!" Hindi ko lang man naisip yon!!!
Inawatan ako ni Steve!Mangiyakngiyak ako dahil sa pagsisisi.

"Tama na!" Sabi ni Steve.

Hindi natuloy ang Field trip dahil sa nangyari at pinauwi na kame.

>>Denise<<

Umuwi kaming luhaan dahil nagsisimula nanaman ang patayan.

Pero tama ba yung nakita ko kanina?? Dalawa yung utak! Tapos nung pagdilat kong muli nawala na ang isa pang utak! Nakakapagtaka pero yun ang nakita ko. Masayahin at pala kaibigan si Ursula kaya marami ang nalungkot.

Pero bakit si Mathew? Di kaya magkamali si Margaux ng Hinala??

"Oh Denise kakain na daw tayo" sabi ni Dianne.

Oo si Dianne dito na siya titira dahil mahirap na naiipit na siya sa sitwasyon eh.

Kumain na kame.

>>Shane<<

"Huwag kang maingay baka may makarinig sa atin" sabi ko  kay Jasmine.

"Alam mo namimiss na kita!" Sabi ni Jasmine na may paawang tono.

"Ako rin kaya noh!" Sagot ko.

Biglang mag kumatok sa pinto.

"Sino yan?" Tanong ko
"sandali lang huh!"sabi ko kay Jasmine.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang nanay ko.
"Anong kailangan mo?"tanong ko sa walang kwenta kong nanay.
"Sinong Kausap mo jan anak? Nag-alala la--"Hindi natuloy ang sasabihin .

"Wala kang pake!" Sagot ko sabay sinarado ang pinto!

Pinuntahan kong muli si Jasmine para makipagusap.
Sinarado ko na ang ilaw at tanging ilaw na lamang sa laptop ang maaninag.

"Oh jasmine okay na! Wala na ang nakaiirita kong nanay!" Sarkastikong pagsabi ko.

Hindi umimik si Jasmine.
Nanlaki ang dalawang mata ko nang makitang may lumitaw sa Screen.

---------

Death is coming to get you!!!

---------

Nagulat ako ng makita ito at sinubukang ioff ang laptop ngunit hindi ako nagtagumapay!

"Jasmine! Tulong!!" Sigaw ko.

"Anak ! Okay ka lang ba jan! Anak buksan mo to!" Rinig kong sigaw ng aking  ina habang pilit niyanl itong binubuksan.

Naalala kong hindi ko ito nilock! Pero papaano??
Nakaramdam agad ako ng kaba ng maramdaman kong hindi lang ako ang nandito sa loob.

~~Steve~~

Tapos na kaming kumain.Habang naglalaro ako gamit ang cellphone ko sa kwarto.

May naramdaman akong kakaiba. Parang bang may mga matang nakadikit sa akin.
Hindi ko na lang ito pinansin at ibinaling ang aking atensyon sa aking nilalaro.

May biglang sumulpot na ads tungkol sa laptop. Umiikot ang laptop at ipinapakita ang magaganda nitong bahagi. Nakita ko ang presyo. At ang mahal nito. Habang pinagmamasdan ko ito. Bahagyang nagpatay-sindi ang ilaw at itoy bumalik agad sa dati.
Napansin ko ding biglang naglabo ang screen ng Cellphone ko na tila ba nawawalan ng Signal agad din itong bumalik sa dati ngunit tumayo bigla ang balahibo nang makitang may nakatayong babaeng nakabelong puti sa gilid ng laptop.

Nabitawan ko ang Cellphone ko at napasigaw. Biglang sumagi sa isip ko Si Shane! Yung laptop.

Agad akong lumabas sa kwarto at ipinaalam ang aking nasaksihan.

"Kailangan nating puntahan si Shane !"sabi ko.

"Bakit?!"tanong ni Harold na may halong pagtataka.

"Dahil siya na ang susunod!"  Sagot ko.
Nagpanik kaming lahat.
"Margaux kunin mo ang susi ng kotse bilis!" Sigaw ni Harold kay Margaux na agad namang sinunod ang utos.

Bihira lang namin gamitin ang kotse dahil malapit lang sa amin ang skuelahan at sa tuwing may lakad lang ito ginagamit.

Sumakay na kaming lima sa kotse . At hinarurot ni Harold ito. Malalayo layo ang bahay ni Shane.

--3rd Person--

"Anak buksan moto !!" Sigaw ng kaniyang ama sa labas na pilit binubuksan ang pinto kasama ng kaniyang asawa.

Nanginginig ang dalaga at hindi alam kung ano ang gagawin dahil wala siyang makita dahil sa dilim. Nakaramdam siya ng lamig ng marinig ang.
"Psssst ! Shaane..." tinig na nagmumula sa sulok. Nanginig ang buong katawan ng dalaga at hindi alam kung ano ang gagawin.

Mabilis pa sa alas tres ang takbo ng kotse ng Binata. Habang si Denise naman ay pilit na tinatawag si Shane sa kanyang telepono.
"Sagutin mo. ... sagutin mo Shane please!" Bulong ng dalaga na mahigpit ang hawak sa telepono.

Habang nasa daan may napansin si Dianne na taong nakamaskara sa kalye sa may bandang kanan niya dahilan para ipahinto niya ang kotse at bumaba."ihinto mo!"-Dianne
Wika nito at bumaba. "Mauna na kayo!"sabi nito at agad namang pinatakbo ni Harold ang Kotse.

Riiingg!....
Tunog na nagmumula sa Telepono ni Shane sa may Study table niya. Bahagyang nabigyan ng konting ilaw ang kwarto dahil sa telepono. Pinuntahan ni Shane ito na nanginginig ang mga paa. Sinagot niya ang tawag.

"Hello! Shane ! Asan ka? Pumunta ka sa ligtas na lugar"-Denise

Bago pa man masagot ni Shane ang tanong ni Denise ay biglang sumindi ang ilaw na nagpagaan sa loob ng dalaga. Ngunit nakarinig siya ng tawa ng isang lalake dahilan para siya ay lumingon. Sumikip ang kanyang dibdib ng makita ang isang lalakeng putol ang katawan, nakahiwalay at nakatingin sa kanya. Nakabukas din ang laptop na may mukha ng lalake na nakakadiri. May nakatayo ding isang babaeng nakaitim na belo sa Sulok. Napaatras ang dalaga ng dalawang beses at biglang nadulas ito at unang nahulog ang mga lapis sa sahig mula sa mesa at nasaksak ang lapis sa kanyan ulo,mata at pisngi at nawalan siya agad ng buhay . At nabitawan ang telepono.

Dumating sina Denise sa bahay ni Shane at agad pumunta sa silid nito. Naratnan nilang walang buhay si Shane sa sahig at naglaho rin ang laptop sa kama.
Napaiyak sila at ang mga magulang sa nakita.

--------
Author's Note;

Sana nagustuhan niyo ang chapter na to ! Comment and vote po thank you!.

SCHOOL ZONE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon