Chapter 5-Awaited Play

134 8 0
                                    


Author's Note: sorry po kung ngayon lang naka-update busy po kasi eh! Pero babawi po ako!
#StalkerCBM

_______________

>>Jasmine<<

Papunta na kame sa theater room ni Dianne. Ito na talaga yun! Ang hinihintay kong play.
Pero bakit parang kinakabahan ako? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Nakacostume na kami ni Dianne at nakamake-up habang si Denise at ang iba pa ay nandoon na.

Napansin kong napahinto si Dianne at parang nagaalala.

"Oh Dianne anong problema? Kinakabahan ka ba??" Tanong ko sa kaniya na nakatingin sa tabi ko.

"Ah wala" sabi niya. At nagpatuloy na kami.

Pagdating namin ay nakita ko ang mga taga ibang seksyon na nakaupo na . Pumunta na kami agad sa backstage dahil pawang magsisimula na ang duladulaan!.

"Oh handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga kagrupo ko.

Nagnod lang sila.

"Presence of mind lang at wag kalimutan ang mga linya niyo"

Dahil sa haba kasi ng story ng Florante at Laura hinati ang klase upang magawa ng maayos ang duladulaan. May naka-assign ang bawat grupo ng mga senario ng Florante at Laura.

>>Denise<<

"At ngayo'y sisimulan na natin ang duladulaan na pinaghandaan ng First Section ng grade 10 na hango sa ginawa ni Francisco Balagtas ang FLORANTE AT LAURA." Rinig kong sabi ng tagasalita.

(Clap,clap,clap)

Nasa backstage kami ngayon at nagpeperform na unang grupo.
Kinakabahan ako.
Habang si Jasmine naman at mga iba ko pang kagrupo ay nasa kabila.

Sinenyasan ako ni Jasmine sa kabila na para bang kame na ang susunod.

Nagulat ako at sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang,

Hindi maaari ito ang Naka-itim na Belo sa likod ni Jasmine.

Naalala ko ang nakita ko nung isang araw habang nasa hagdan kami. Nakita ko yun ang nakaputing belo. Hindi ako nagkakamali.

Napansin kong nasa entablado na si Jasmine at wala na siya sa backstage. Napatulala ako ng ilang sandali.

"Denise pasok na!" Sabi ni Shane.

Kailangan kong iligtas si Jasmine. Ano bang kailangan nila?? Bat sila bumalik??

Pumasok na kami.

"Sa isang madilim,mabaho at masukal na gubat may isang binata blahblah..."-Jasmine.

Habang nasa entablado.
Tumingin ako sa backstage . Nakita ko Norie na nakatingin kay Jasmine. Bakit siya nakatingin??

Kinakabahan na ako at di mapakali. Gusto ng bumagsak ng luha ko ngunit hindi puwede.

Nasa gitna na ako ng entablado.

At biglang napatay lahat ng ilaw sa Silid.

"AAAAAHHH"sigaw nilang lahat. Nagkagulo na sa loob.

"Denise!" Boses ni Harold.

Wala akong makita !! Ang dilim.

"Jasmine!" Sigaw ko upang mahanap siya . Ayoko siyang mamatay!

Biglang bumukas lahat ng ilaw at ang iba ay nagsitigilan sa pagtakbo . Hinanap ko si Jasmine.

Ang mga nagsitigilan sa pagtakbo ay dahan-dahan inangat ang ulo .

Asan ka ba Jasmine?

Nakita ko si Margaux umiiyak.

Ang mga nagsitingin sa taas ay sumigaw!

"AAAAAAAH" tili at sigaw nila.
Tumakbo ulit sila at nagkagulo.

Parang may tumutulo sa ulo ko. Tumungin ako sa taas.

Bumuhos bigla ang luha ko. Si Jasmine ! Nakabigti si Jasmine sa Taas.
Hindi ito maaari!

Naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Hindi ko siya nailigtas." Pagiyak ko habang kayakap si Harold.

Inilayo niya ako doon at dinala sa likod.

"Ok kalang ba?" Sabi ni Harold na may pagaalala habang hinahaplos ang buhok ko.

Nandoob din sina Steve,Margaux at Dianne.

"Kasalanan ko to. Kasalanan ko to!" Hagulgol ko."kung sinabi ko lang sana na nakita ko yung babaeng nakaputing belo nung isang araw sa likod ni Jasmine! Kung sinabi ko lang sana"

"Tahan na!" Sabi ni Harold.

"Nakita ko rin kanina ! Isang babaeng nakaitim na belo sa tabi ni Jasmine habang papunta kami dito." Nanlaki ang nga mata ni Dianne.

"Kailangan natin pigilan ang mga susunod pang mangyayari!" Sabi ni Margaux. At pinunas na ang mga luha nito.

"Oo nga wag nating hayaan madamay ang iba!" Dugtong ni Steve.

Papunta na kami sa aming room.
Nakasalubong namin ang mga pulis upang imbestigahan kung ano ang nangyari.

Nang tumingin ako sa likod! Nakita kong nakatingin sa amin sina Tiffany,Daphne at Sabrina. Nakataas ang mga kilay.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Pagdating namin sa room. Lahat ay parang natrauma. Nagkasalubong ang mata namin ni Norie. Para bang nagsasalita ito at parang may gustong iparating ang mga mata nito sa akin.

Napaupo na kami.

Naisip ko bigla si Shane kagrupo ko . Asan na siya alam kong magbestfriend sila ni Jasmine.

>>Shane<<

Tumakbo ako sa may pool ng school. Gusto kong mapagisa! Gusto ko!

Nang makarating ako sa pool ay bumuhos agad ang luha ko. Bakit ito nangyayari?? Matalik kong kaibigan si Jasmine!

Patuloy ako sa pagiyak ng may marinig ako.

"Wag ka nang umiyak!" Rinig kong boses lalake.

Lumingon ako at nilibot ang aking mata pero wala akong nakita. May napansin akong laptop dun sa sulok. Nakabukas ito. Hindi ko alam pero bigla akong tumayo at lumapit sa laptop.

Maalikabok ito at parang luma na. Pero magagamit parin.

"Wag ka nang umiyak!" Rinig kong muli. Boses ng isang lalake at natitiyak kong sa laptop nanggaling ang boses kaya binitawan ko ito.

"Nagsasalita!?? "Sabi ko.

"Wag kang matakot! Ako ang makakatulong sa problema mo. Isipin mo na lang ako si Jasmine" sabi nito.

"Maligno ! Maligno !" Tumakbo ako at iniwan ang laptop.

>>Denise<<

Habang napatulala ako sa kwarto ko biglang may.

*calling*

From; Mommy!

(Answered)

"Hello ma?"-ako

"Oh nabalitaan ko ang nangyari sa school huh! Magiingat kayo jan sa bahay ni Harold huh? Kasi marami ng mga masasamang loob at mga kawatan ngayon!"-mama

"Opo ma! Nagiingat naman po kami at lagi pong mag-iingat sa mga masasamang loob na yan." Napatulo luha ko dahil sabik na ako kay mama. At gusto ko na siyang yakapin at sabihin lahat ng nangyayari kaso di puede baka madamay pa sila."magiingat din po kayo ni papa jan ma huh? Sige na po babye na gagawin ko pa po ang mga assignments ko ! Bye iloveyou"

"I love you too anak!"

*endofcall*

Niyakap ko na lang ang unan ko at umiyak

SCHOOL ZONE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon