At ito na nga. 1:11 AM ko ito isinusulat. Marami kasing nagsabi sa akin na gawan ko pa daw ng bagong kabanata ang Seen 10:27 PM. Matapos ang matagal kong pagkakait sa inyo nitong kabanatang ito, ito na isinusulat ko na. Oo madaling araw na pero hindi kasi ako makatulog. Kung ano mang oras mo ito mababasa, (hula ko ay malamang sa malamang ay tanghali) nais kong malaman mo na habang sinusulat ko ito ngayon ay nababalot ng dilim ang kwarto ko. Tahimik.
Nakakatawa kasi sabi ko hindi na ako ulit magsusulat ng ganito.
Pero kasi...hindi talaga ako makatulog. Kung di ka naniniwala na madaling araw ko na ito isinulat tignan mo na lang yung time-stamp kung kailan ko ito ipinost.
Pwede mong sabihin na nakahiga ako ngayon sa itaas na bahagi ng isang bunk bed o yung kama na may akyatan. Nakatalukbong nga ako ngayon ng kumot at habang pinipindot ang mga letra ay nanginginig ang aking mga daliri. Habang sinusubukan ko kasi libangin ang utak ko sa social network ay may napansin akong may padaan-daan sa baba. Nung una akala ko guni-guni ko lang. Pero habang tumatagal, kakaiba na yung naramdaman ko. Nakakapangilabot. Yung pakiramdam na may nakamasid sa'kin, yung may nagbabantay. Tulog na ang mga magulang ko. Yung kapatid ko naman na natutulog sa baba ay may trabaho kaya solo ko lang ang kwarto. Ang nakakapahindik balahibo dito ay mataas ang aking kama, kahit na ang kuya kong 5'8'' ay di ko maaninag kahit man lang ang buhok kapag dumaan siya sa harap ng kama ko. Pero yung. Pero yung tao, kung tao man siya, ay kitang kita ko ang ulo hanngang leeg kapag dumadaan. Tila ba sobrang haba ng kanyang leeg. Ayaw ko nang isipin pa kung anong hitsura ng katawan niya. Nakailang beses na palakad-lakad siya. Kanikanilang nga ay nakarinig ako ng tunog na galing sa pinto. Para bang may pusang kumakalmot sa pintuan namin. Sayang wala kaming pusa baka sakaling di pa ako matakot sa ingay na ginagawa niya. Gusto ko nang sumigaw sa takot pero baka malaman niya na gising ako at tumingin sa aking direksiyon. Sa totoo lang, halos gustong sumabog ng puso ko sa takot.
Baka matawa ka nga kasi, naiihi na ako pero kailangan kong bumaba para makapunta sa CR. Pero pag bumaba ako baka makasalubong ko siya. Baka kung anong gawin niya sa'kin. Sinusulat ko ito hindi para takutin ka. Sinusulat ko ito para matulungan ko ang sarili ko. Ngayon habang binabasa mo ito, dahan-dahan kang tumingin sa likod mo. Pagmasdan mo ang paligid mo. Pakiramdaman mo kung may nagmamasid sa'yo. Kung sino ka mang nakabasa nito, inutusan niya ako na ikwento ko daw siya para makaalis siya sa bahay namin at makapunta sa bahay ng kung sino man ang makabasa.
Mamayang gabi, sa ganitong oras din. Siguraduhin mong tulog ka na. Siguraduhin mong nakaihi ka na at may kumot na pang taklob kasi mamayang gabi, maglalakad lakad na siya sa bahay mo.
Sorry at ginawa ko sa'yo ito, pero kailangan ko kasi umihi.
BINABASA MO ANG
Seen 10:27pm
Short Story"Sana naman pansinin ako ni kuya author. Kahit seen lang, okay na yun!" Ayan ang hiling ni Trixie Baluyot sa sansinukob matapos niyang iwanan ng message ang kanyang paboritong manunulat na si Ely Saluria. Siya ay isang mambabasa at tagahanga ng nasa...