Paalala ng Manunulat

17.8K 447 18
                                    

Kumusta? Bago niyo simulan ang kuwento, heto ang ilang mensahe ko para sa inyo.

1.     Ang susunod na mababasa niyong kuwento ay pawang piksiyon lamang. Ibig sabihin, ang mga tauhan na gumanap sa kuwentong ito, kasama ang ibang elemento ng istorya ay maaring totoo subalit hindi ibig sabihin na totoo na din ang mga pangyayaring naganap sa loob nito.

2.     Ang kuwentong ito ay tugon sa umusong propaganda na #SaveLiterarure na nag-dulot ng matinding panlilibak sa mga gawa ng ilang nating kakilalang manunulat na tanging ginawa lamang ay imungkahi ang kanilang nararamdaman at ipaalam ang kanilang indibidwalismo.  Kaya nga ba’t naisipan kong gumawa ng ganitong istorya. Maiging tandaan, ginamit ni Jose Rizal ang kanyang pluma bilang itak at ang mga salita bilang bala ng baril.

3. Kung mapapansin niyo ay pinaghirapan ko talaga itong isulat gamit ang matatas na pagtatagalog o paggamit ng wikang Filipino. Ngayon, baka isipin niyo na napaka-hipokrito ko dahil pinalalabas ko na mas gusto kong gumamit ng wikang Ingles sa pagsusulat. Hindi naman sa ganuon. Nasasabi ko lamang na mahirap ito dahil hindi ganito ang natural kong pag-iisip. Sa panahon ngayon, kabilib bilib ang sino man na ganito ang  natural na paraan ng pag-gamit ng wika nating mahal. Kaya respetuhin natin ang wikang ito at patuloy na pagyamanin. Ipagpatawad niyo na din ang ano mang mababasa niyo na maaring mali o hindi katanggap-tanggap sa gramatika.

4. Sa mga mambabasa na nayayamot magbasa ng mga ganitong akda, sana matutunan natin na malibang kahit sabihin nating moderno na ang panahon ngayon. Oo nga’t moderno na ngayon kaya kailangan natin maging modernong Pilipino pero hindi ibig sabihin ay kailangan din nating iwanan ang tradisiyonal nating gawi.

5. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyo kasama ang iyong ibang kapwa mambabasa sa Wattpad dahil sa suportang ibinigay niyo sa akin sa una kong akda na pinamagatang The Conspirations of the Universe na napipintong mailathala ng Summit Media. Ngayon, kung hindi niyo pa nababasa, sana ay magkaroon kayo ng oras upang basahin iyon.

6.     Higit sa lahat, hinihiling ko na makipagsapakatan kayo sa akin at basahing maigi ang mensahe ko sa kahuli-huliang bahagi ng kuwento. Napapaloob dun ang mga ideya ko sa isyung #SaveLiterature na dapat sana ay #SaveOurWriters. Maraming salamat!

At sana ikalugod niyo ang pagbabsa ng istoryang ito, yuon lang!

Seen 10:27pmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon