Ika-16 ng Enero, gabi na at madilim na ang kwarto ni Trixie ngunit hindi pa rin siya nagpapatinag. Ang tanging ilaw na lang na nagliliwanag sa kanyang silid ay ang ilaw na nagmumula sa kanyang cell phone. Nakahiga na siya sa kanyang malambot na kama at naghihintay na lang na malipasan ng malay.
“Hi po, kuya Author! Ang ganda po ng libro niyo! Kelan po kaya mapupublish ang book niyong ‘Section of the Dead’?” maiging isinulat ni Trixie sa keyboard niya ang mga katagang iyon at sabay pindot sa send button. Pangalawang beses na niya ito minensahe sa iisang writer, una ay sa Wattpad account at ikalawa sa Facebook. Paano ba naman, si Trixie ay isang mambabasa at dakilang tagahanga ng naturing na writer na ito. Talagang sinubaybayan niya ang bawat pag-labas ng mga kabanata ng libro ng nasabing manunulat.
“Kuya Ely, sumagot ka please.” mataimtim na dasal ni Trixie. Habang naghihintay ng reply si Trixie, pinagpatuloy niya lang ang paniniktik sa hinahangaan niyang writer na si Ely Saluria. “Mapupublish na daw yung libro niya, o-em-dyi, ‘di na ako makapag-hintay!!
“Ang fafabol naman nitong writer na ito, ang hot, jezkelerd!” matatatas na dagdag pa niya pagkatapos niyang makita ang isang litrato ni Ely na naka barong-tagalog at may malaking salamin na tila ba nagpapahayag ng pagiging matalino at maalam niya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nagbago sa messenger ng Facebook ni Trixie. Seen 10:27pm.
Lumaki ang mga mata ni Trixie at napakagat-labi pa siya na punong-puno ng emosyon, bigay na bigay! Pinagpawisan siya sa lahat ng parte ng katawan niya na maaring pagpawisan. Naghintay si Trixie ng susunod na pangyayari. Maya’t maya ang tingin niya at nang hindi na talaga siya makatiis hindi na niya ibinaling sa iba ang atensyon niya. “Kaloka tong writer na ito, snob!” sabi niya na may tono ng hinanakit na akala mo ba ay kausap niya ang cell phone. “Sayang ang gwapo mo pa naman saka cute. Pero at least parang ang sweet pa rin kasi nakita mo yung message ko, hindi tulad ng ibang writer diyan.”
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring sagot si Ely sa kanya. Tuwing nakikita lang niya ang “Seen 10:27pm” nasasaktan lang siya pero nanatiling umaasa. Sa sobrang tagal talaga sumagot ng writer na ito, hindi na namalayan ni Trixie na nakatulog na pala siya.
“TENEN!”
“TENEN!”
Nagising si Trixie sa tunog na nagmula sa kanyang cell phone. May nag-message sa kanya sa Facebook.
“TENEN!”
Kinapa-kapa ni Trixie ang kanyang cell phone mula sa kama niya at nang mabunot niya na ito ay saka niya ito binuksan. Muling nagliwanag ang kanyang silid at napairing na lang si Trixie dahil sa biglaang liwanag nito. 3:15am. Ayun ang oras na itinuro sa kanya ng cell phone niya. “Ano ba to, madaling araw talaga nag-message?!” iritang pagpapalandakan niya.
Nakita niya ang profile ni Ely na may pula sa gilid nito.
“OMGGGGGG! Nag-message na si fafa Ely!!” biglang nagising ang diwa ni Trixie at bumangon pa sa pagkakahiga. Parang kanina lamang ay hindi maipinta ang mukha niya subalit ngayon, daig niya pa ang ngiti ni Mona Lisa.
3:15am
Ely: Oh hi Trixie!
Ely: Salamat po!
Ely: Tentative pa po yung date eh.
“Ang tipid naman nito sa reply. Parang binabayaran yung bawat letra! Pero ayos lang, nag-reply pa rin siya, kakilig!” bulong ulit ni Trixie. Agad-agad naman nagsulat si Trixie sa takot na i-seen na naman siya ni Ely.
Trixie: Wow, kuya Author kahit madaling araw na, nagreply ka pa din :)
Seen 3:17am
Kinabahan na naman si Trixie. Sasagot kayang muli si Ely sa kanya? “TENEN!”
Ely: Syempre naman, di ako snob xD
“OMGGGGGG!” mahinang sigaw ni Trixie habang tinatalansik ang dalawang paa sa ere.
Trixie: Kuya Author! Buti po naman po namamansin po kayo kahit famous na po kayo di tulad ng ibang writer diyan.
Ely: Siyempre para sa’yo! Saka hindi naman po ako peymus -_-
Trixie: Grabe! Peymus na po kaya kayo! Lalo na sa puso ko <3
Seen 3:21am
“Nako seen na naman. Pero ang sweet pa rin niya kahit ganoon. Tapos kahit alas-tres na ng umaga ay nag-message pa rin siya.” Naramdaman ni Trixie ang paghaba ng buhok niya na tila umabot pa ng EDSA sa sobrang kilig. “Kaso baka na-off siya sa sinabi ko” pangamba niya.
“TENEN!” tunog ng phone niya. Agad naman itong kinuha ni Trixie.
Ely: haha ice yan
Trixie: Sorry ah, baka masyado na akong epal ha, sabihin mo lang huhuhu
Ely: Hindi naman, ice lang. Di ka naman katulad ng isa kong reader dibaaa?
Trixie: Bakit anong meron???
Ely: Masyado kasing i-stalker
Ely: Pati mga magulang ko iniistorbo. Tapos nung nalaman ko yun napaisip ko as in “seriously?”
Napalunok si Trixie sa nabasa niya. Hindi naman siya i-stalker, mananaliksik lang ang turing niya sa sarili.
Trixie: Grabe naman hindi naman ako ganoon huehuehue
Ely: Buti naman hahaha parang baliw lang kasi yun eh
Trixie: Well hindi ako katulad niya
Sabay pilantig ni Trixie nang kanyang mahabang buhok na abot na ngang hanggang EDSA.
Ely: Hahaha sa tingin ko naman eh
Ely: Baka naiistorbo na pala kita
Trixie: Hala hindi ah
Sa katotohanan, bumibigat na ulit ang mga mata ni Trixie at naaantok na.
Ely: Okay lang. Kakausapin na lang kita bukas, pangako
Trixie: TALAGA? OMG!
Ely: Oo pangako. Tulog ka na gud nyt
Trixie: Gud nyt, typo lang ba yan?
Ely: Hindi ako nagkakatypo ;) Magkita na lang tayo sa panaginip hahaha
Pagkatapos ay nag-send pa si Ely ng stiker ng isang nakakatuwang matabang pusa na natutulog ng mahimbing sa isang unan. Pusheen Cat ang tawag. Napangiti na lang si Trixie.
At dun na ngang nagawang talunin ni Trixie si Rapunzel sa kahabaan ng buhok na may kasama pang makikintab na gliters. Niyakap ni Trixie ang kanyang cell phone at natulog siya ng napakahimbing na para bang si Sleeping Beauty na hinihintay ang magiting niyang prinsipe na mag-reply.
BINABASA MO ANG
Seen 10:27pm
Short Story"Sana naman pansinin ako ni kuya author. Kahit seen lang, okay na yun!" Ayan ang hiling ni Trixie Baluyot sa sansinukob matapos niyang iwanan ng message ang kanyang paboritong manunulat na si Ely Saluria. Siya ay isang mambabasa at tagahanga ng nasa...