“TENEN!”
“TENEN!”
Hindi naman talaga madaling magising si Trixie pero sa araw na iyon tila ba ginigising talaga siya ni Ely. Dahan dahang kinapa ni Trixie ang phone niya at sabay bukas nito. ‘Two messages from Ely Saluria’ paalala sa kanya ng phone niya.
8:37am
Ely: Good morning :)
Ely: Gising ka na ba?
Tulad ng inaasahan, nag-message nga sa kanya si Ely. Labis ang kagalakan ang naramadaman ni Trixie sa kanyang puso ng mabasa ang mga mensahe sa kanya ng sikat na writer na ito.
Trixie: Gising na akoooo Gooood morning din!
Ely: Yes! Hahaha buti naman
Trixie: Bakit naman?
Ely: Hindi kasi ako nakatulog eh. Hinihintay lang kita magising hahaha
Trixie: O.O
Ely: #medyoexcited
Nagulat si Trixie sa mga nabasa niya. “Nananaginip pa rin ba ako? O-em-dyi!”
Ely: Kumusta? :>
Ely: Kumain ka na ba?
Nag-send ulit ang maginoong manunulat ng stiker ng Pusheen Cat. Ngayon naman ay ito ay wari bang kumakain. Natuwa si Trixie sa stiker na iyon. Bakit nga ba? Siguro natatawa na lang si Trixie dahil may pagkakwela din pala ang manunulat ng mga nakakatakot. Alam niyang pinagkakatiwalaan na siya ni Ely.
Trixie: Ayos lang, hindi pa nga ehhh
Ely: Ganun ba? Sige kain ka na muna, hintayin kita ;)
Talaga nga naman si Trixie oh. Para bang nahumaling sa kanya agad agad si Ely. Sarap na sarap tuloy kumain si Trixie ng kanyang almusal na tapsilog. Pagkatapos ay agad-agad niyang binalikan si Ely.
Trixie: Tapos na akong kumain :))))))
Ely: hahaha nice
Trixie: May tanong ako. Huwag kang magagalit ah?
Ely: Ano yun? O.O
Trixie: Bakit po bigla po kayong namamansin?
Ely: Ah yun ba? Hindi ko din alam eh. Pero para kasing special ka eh. Dati kasi hindi talaga ako namansin pero nung nabasa ko yung message mo, parang nagsisi na ako na hindi ko pinapansin ang iba kong mga reader. Ikaw ang nagparealize sa akin nun, Trixie :)
Bumilis ang tibok ng puso ni Trixie kaya nga ba’t napahawak siya sa dibdib at napapikit sa sobrang kilig.
Trixie: Enebeyen HAHAHA
Ely: Totoo nga! Hehe
Ely: Tulungan mo nga ako sagutin kung bakit nga ba? Alam ko na sayo lang ang sagot, wala nang iba pa
Trixie: Sige ba. :”> Maiba ako, diba pumunta ka nung Christmas Party niyo ng mga writers hahaha
Ely: Oo, bakit?
Trixie: May tanong ulit ako huehue
Ely: Sige nu yon?
Trixie: Sino sa tingin mo pinakamaganda sa mga kapwa mong writers na nandoon?
Seen 9:17am
Trixie: Aray sineen zone mo ko <//3 huhu
“Seen-zoned na naman ako” malungkot na bulong ni Trixie. Hinintay niyang sumagot si Ely pero matapos ang ilang minuto naisip niyang baka nayamot si Ely sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Seen 10:27pm
Short Story"Sana naman pansinin ako ni kuya author. Kahit seen lang, okay na yun!" Ayan ang hiling ni Trixie Baluyot sa sansinukob matapos niyang iwanan ng message ang kanyang paboritong manunulat na si Ely Saluria. Siya ay isang mambabasa at tagahanga ng nasa...