Eight-

19 3 0
                                    

HAILEY here!

Ang sakit nang ulo ko. Pinipilit kong bumangon at yun.

Natumba ako. Grabe nahihilo ako. Ang sama ng pakiramdam ko at ang sakit ng katawan ko. Parang akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang hirap iexplain!

Tinignan ko kung anong oras na. Guess what? Late na ko. Wahhh. Patay. Absent ako sa first subject ko.

Dali dali naman akong naligo at binuksan ang kwarto ko. Pero bago pa man ako makalabas nanghina na ang tuhod ko at wala na ang lakas ko.

ALLISON here!

"Mabuti naman nakadalaw ka. Wala ka bang klase ngayon?" Bungad sakin ni Tita.

Andito ako sa bahay nila Hailey. Hindi kasi siya pumasok sa first subject class namin e kaya nag-alala agad ako.

"Tita tumawag po sakin si Harold kagabi nawawala daw si Hailey? Tita nag-aalala po ako kay bestfriend Hailey. Okay lang po ba siya? Pumasok po ako kaso absent siya kaya naisipan ko pong dumaretso dito. Nakasabay ko din si Luke. Ayun siya tita o." Sabay turo sa papasok na lalaki sa gate nila.

"Huwag ka nang mag-alala. Okay lang siya."

Papunta na si Luke samin tapos pinapasok din siya ni Tita Lily sa loob.

"Hello po tita. Okay na po ba si Hailey?"

Bago pa man makasagot si Tita bigla naman may nahulog sa taas. Posible kayang si Hailey un? Dali-dali kaming umakyat sa taas.

Just to find out Hailey lying on the floor.

Naiiyak ako. Nakita ko na naman siyang ganito. Hindi ko kaya. Alam kong nasasaktan siya pero hindi niya lang pinapahalata kasi ayaw niya kaming mag-alala.

Ngayon ay natutulog siya. Nakita namin siya kanina nakabulagta sa lapag ng kwarto niya. Hindi ko kayang makita siyang ganto. Nasasaktan ako.

Ayaw niyang magpaconfine. Gusto niya dito lang sa bahay. Pumunta dito ang family doctor nila Hailey.

She skip taking her medicine without you knowing Mrs. Kim base in her record her immune system is getting weak. You should watch her taking her medicine. If this continue to happen we cannot avoid her in collapsing.

Yan lang naman ang sinabi ng doctor na nagpanlumo samin. Pinalabas muna nila si Luke pagnalaman kasi ni Luke ang tungkol dito baka maawa lang siya kay Hailey.

Magagalit pa si Hailey pag nagkataon at pag nastress siya mas lalala ang sakit niya.

"Dra. Ano ba dapat nating gawin?" Mangingiyak ngiyak na tanong ni Tita Lily sa babaeng doctor.

"Here take this." May binigay na prescription ng gamot ang doctor.

"She should take this twice a day. She can go back to school tomorrow. She's fine. You don't need to worry Mrs. Kim."

Tahimik lang akong nakikinig sa conversation nila.

Masaya ako sa sinabi nang doctor but at the same time natatakot ako para sa kanya.

"Bestie!" Tawag niya sakin. Wahh gising na siya.

Lumapit ako sa kama niya.

"Hoy Hailey. Kunwari ka lang mabait pero bad girl ka pala." Sabi ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.

"Ano bang sinasabi mo?"

Hindi ko mapigilang maiyak. Natutuwa lang ako kasi gising na siya.

"Oi bakit ka umiiyak tapos nakangiti? Bestie nababaliw ka na ba?"

Natawa ako nung sinabi niya un. She's back! Hahahaha.

Siya kasi ung tipo ng tao na kahit ano basta may masabi lang. Ung taong kahit korny matatawa ka na lang ng hindi mo namamalayan.

"Masaya ako kasi gising ka na. Ikaw Hailey napakatigas talaga ng ulo mo. Nakakainis ka!" Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kamay niya.

Napansin kong kakaalis lang nang doctor.

"Sorry po." Sabi niya tapos peace sign.

Tapos ginamit niya ung kamay niya para alisin ang luha sa mga mata ko.

Tumingin siya kay Tita dahilan para lumapit si Tita sa kanya.

"Umma. Sorry. Sorry po. Sorry talaga." Sabi niya habang humahagulgol dahilan para mapayakap si Tita kay Hailey.

"Anak. Huwag mo nang uulitin yun ah. Alalang-ala kami sayo ng kuya mo. O siya nga pala may bisita ka."

"Hailey punasan mo muna yang mukha mo. Ang pogi kasi ng bisita mo." Sabi ko sabay wiggle ng eyebrows.

Lumapit naman sa pintuan si tita at pinapasok si Luke.

"Anak maghahanda lang kami ni Allison ng makakain ah. Tara na hija." Sabi ni tita na parang may binabalak. Natatawa akong lumabas ng kwarto habang silang dalawa lang dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY NAME IS HAILEY KIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon