Chapter Five

58 5 0
                                    

MNIHK 5

Hailey here!

To my lovely daughter,

Ang galing ko ano. Hindi ka nahirapang hanapin tong note na to, alam ko kasi na you really love foods. Ang smart ko talaga anak hindi mo na kailangang sabihin. I know right! Bago ka pa mainis sasabihin ko na ang purpose nito. While you're busy reading this I'm on my way to the airport. Meron kasi akong malaking client. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik siguro pag natapos na ung business deals namin. Mag-iingat kayo. I love you anak. Mwahh!

I try calling her pero di naman si mama sumasagot kaya I texted her na lang.

Ma! I love you more. Sana po umuwi na lang ako ng gutom para nakita ko nang mas maaga ung note mo hindi ung hinanap pa kita sa buong bahay. Nasayang tuloy ung oras at effort ko! Gusto sana kita sundan diyan sa airport para magpaalam ng maayos kaso too late na po alam mo naman ngayon, traffic malamang pagdating ko diyan wala na akong aabutan. Nakaalis kana. Basta ma mag-iingat ka ah. Huwag kang mag-alala samin. Alagaan mo sarili mo para samin. Galingan mo ma. Enjoy ung trip! Lovelots! ♥♥♥

Pagkatapos kong isend ang malatalata na message ko kay mama. Ay nanuod muna ako ng movie. Pagkatapos naman nung movie ay saktong pag-uwi ng bahay ni Kuya Harold.

"Gising ka pa? Diba maaga pa pasok mo bukas?" Bungad niya sakin sabay patay niya sa tv.

Okay lang tapos na naman din ung pinapanuod ko. Buti na lang ngayon lang siya umuwi.

"Kuya alam mo namang di ako nakakatulog pag di ako nakakanuod. Tsaka kumain ka na, nauna na ko sayo tagal mo kasi e." Pangangatwiran ko bago pa ko sermunan nito. Nag-uunat nako, nakakangalay din kaya ung pwesto ko kanina. Habang siya naman ay naglakad papuntang kusina.

"Kumain naba si mama? Tawagin mo sabihin mo sabay na kami." Umiling-iling na lang ako.

Hindi din pala nainform si kuya. I wonder kung saan nilagay ni mama ung note niya. Aba kailangan magpakahirap muna to, nilibot ko nga buong bahay namin e.

MY NAME IS HAILEY KIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon