Chapter Four

23 2 0
                                    

MNIHK 4

Hailey here!

Ang tagal naman nun. Kanina pa siya ah. Maglalakad-lakad muna ako nakakainip kaya! Kahit sabi niya pa 'Stay here, I'll be back'.

Andito ako sa mall may kailangan kasi kaming bilhing ingredients para sa cooking class namin ni Nathan.

Jusme! Makalimutan ba naman niya ung isang bag ng pinamili namin. Sayang ingredients, sayang pera. Ang kuripot ko talaga. Hahahaha

Kahit na pa no. Hindi kumayod ang mga magulang ko para lang waldasin ko pera namin. Sabi nga nila hindi tinatae ang pera dahil pinagpapawisan yan.

Hindi ko talaga alam kung san ako pupunta. Para akong batang nawawala. Siguro naman icocontact ako nun o itetext once na napansin niyang wala ako dun.

Napansin ko na lang na dinala ako ng paa ko dito sa isang bookstore. Pumasok ako at nagbasa-basa. Matapos ang ilang sandali ay nagvibrate ang phone ko.

'One Message Received'

(Where are you? Come back immediately.)

-Okay.

Pagkatapos kong magreply kay Nathan ay dali dali akong lumabas ng bookstore. To the point na pagkakamalang nagmamarathon ako sa loob ng mall pero sa di inaasahang pagkakataon nakabangga pa ko.

"WHAT THE HECK! ARE YOU BLIND?!" bulyaw nang nabangga ko.

"Sorry."

Hindi ako makatingin sa kanya. Geez. Nakakatakot naman to. Nakayuko lang ako ng magsalita siya ulit.

"DO YOU THINK YOUR SORRY CAN DRY MY CLOTHES?!" Sigaw niya.

Tumingin ako sa kanya. Ano ba namang kamalasan to? Sh*t basa nga siya. Mukhang mamahalin ung damit. Sayang gwapo sana si kuya mukhang kaedaran ko nga lang e. Yun nga lang masungit siya pero kahit naman siguro ako ang nasa kalagayan niya magsusungit din ako.

'Kalma lang Hailey hindi mo dapat siya patulan, wala kang mapapala.' Paalala ko sa sarili ko.

"No, but don't you think this will happen kung in the first place pa lang umiwas kana? Sorry for wetting your clothes. Here buy some. Please, I really need to go."

Nag-abot ako ng One Thousand Bill. Siguro naman bawi na ako sa pang-aabala ko sa kanya. He look at me in disbelief pero bago pa siya makapagsalita ulit ay iniwan ko na siya at bumalik.

Sa sasakyan ni Nate habang bumibyahe ay hindi ako umiimik kaasar kasi.

"Oi bakit ka ba nakabusangot diyan tsaka kanina mo pa ko hindi pinapansin may nangyare ba?" Pangungulit ni Nathan.

Yung totoo? Nanghihinayang ako sa isang libo. Kung pinambili ko lang sana un nang libro edi sana napakinabangan ko pa pero hindi e, napunta lang dun sa lalaking masungit. Kainis!

"Hindi mo kasi ako pinakain. Kala ko pa naman ililibre mo ko. Paasa." Pagsisinungaling ko.

Pero totoong gutom na ako. Gutuming tao kasi ako. Kaya nga niya ako inaasar na 'piggy' dahil sa katakawan ko hindi ko naman idedeny yun. Totoo e. Sabi nga nila 'Truth Hurts'.

"Yun lang naman pala e. Tara na baka nagrerebolusyon na ung mga anaconda mo."

Nauna na siyang lumabas sinundan ko naman siya.

"Kung maka naman! Isa lang kaya anaconda ko." Pangangatwiran ko.

Hinihintay niya ako. Wait! Saan ba kami huminto? Tumingala ako para makita yun.

"Pizza house!!" Tinignan ko siya, he just smirked. He really knows what I want. Hehe.

Nauna na siyang pumasok, sinundan ko naman siya. Pinag-usod niya ako ng upuan at umorder.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay isa-isa na nilang sinerve ung order namin pagkatapos nun ay agad kong sinunggaban ung pizza.

Tinignan ko si Nathan nakatingin sakin. Ano kaya iniisip nito? "Oh bakit? May dumi ba ko sa mukha? Para kang tuod di ka ba kakain?" Sabi ko sabay nguya.

Ngumisi siya. "Ang sarap mo kasing pagmasdan." Sabi niya.

"Talaga? Ano lasa?" Sabi ko habang kain lang ng kain.

Nilapit niya naman ang kamay niya at kinurot kurot ang mukha ko. Ung totoo mukha ba akong life size teddy bear? Ganun ba kalambot ang pisngi ko?

Tinanggal ko ung mga kamay niya sa pisngi ko at tinitigan siya ng masama.

"Hindi ka ba kakain? Look, kung hindi ka kakain uubusin ko lahat to." Pananakot ko sa kanya.

"Mukha ngang kulang pa sayo yan. Piggy ka talaga." Asar niya hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya mamaya kakain din yan. Nag-iinarte pa kasi.

Hindi din nagtagal at nagsawa na siyang titigan ang pagkain. Nagsimula na din siyang kumuha. Matapos namin kumain ay nagbayad na siya.

"Hailey meron kang ano sa bibig mo."

"Ano?" Hindi ko siya naintindihan. Anong meron sa bibig ko. Alam ko namang kissable yan di niya na kailangan sabihin.

Ahy! Ano ba to. Mga epekto sakin ng koreanobela. Hahaha mga pinag-iisip ko.

Nilapit niya ung kamay niya at pinunas ung tissue.

"May dumi."

"Ahh." Inagaw ko ung tissue at ako na nagpatuloy sa pagpunas.

Inuwi niya na din naman ako pagkatapos. All my way home hindi kami nag-imikan siguro dahil na rin sa pagod.

Huminto siya sa tapat nang bahay namin. Lumabas ako at sinarado ang pinto. Kumatok ako sa bintana ibinaba niya naman agad.

"Oi Nate ikaw na bahala diyan sa pinamili natin ah. Dalhin mo bukas. Salamat sa treat!"

And with that pumasok na ako sa loob. "I'm home!" Sigaw ko.

Hindi sumagot si mama. Nandito na kaya si kuya?

Hinanap ko sila. Oh well baka nasa bahay nila Nico si kuya. Asan naman ung magaling kong nanay?

Nilibot ko ang buong bahay namin pero wala si mama. Hiningal pa ako kakahanap. Ganun ba kalaki ung bahay namin??

I need to freshen up. Ang kailangan ko ngayon ay isang baso ng malamig na tubig.

Pumunta ako sa kusina. Kumuha ng baso at binuksan ang ref. May napansin ako kaya sinara ko muna ulit. Isang note.

MY NAME IS HAILEY KIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon