Chapter Three

53 2 0
                                    

MNIHK 3

Hailey here! ♔

Bagsak ako sa kama ko pagkarating na pagkarating namin ng bahay. Gusto ko nang matulog pero dahil sa may insomnia ako ay hirap ako sa pagtulog.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan ko ulit matulog pero ayaw talaga e. Bumangon ako sa pagkakahiga at nag-isip.

Siguro naman makakatulog ako kung iinom ako ng gatas diba?

Tumayo na 'ko at lumabas ng kwarto at nagtuloy tuloy papuntang kusina sa baba. Naglalakad ako at pababa na sana nang hagdan pero napansin kong bukas ang mga ilaw sa baba.

"Bakit gising pa mga tao dito?" Bulong ko sa sarili ko.

Bakit ba ako nagtataka ako nga gising pa. Tsk!

Nagtuloy-tuloy na lang ako palapit sa ref. Kinuha ko ang milk at nagsalin sa baso.

"Oh anak bakit gising ka pa?"

Lumitaw bigla si mama sa harap ko.

"Hindi po ako makatulog e." Sabi ko sabay inom nung gatas.

"Ano bang oras pasok mo bukas?"

"Maaga po kaya nga nagbabakasakaling makatulong tong gatas oh." Sabi ko at pinakita ung gatas. "Gusto mo po ba?"

Umiling si mama bilang sagot. "O sya sya pagkatapos mo diyan umakyat at matulog ka na ah. Maiwan muna kita may kailangan pang tapusin si mama. I love you anak. Goodnight!" Lumapit siya at humalik si noo ko bago niya ako tinalikuran.

Pagkaubos ko nang gatas ay agad din akong bumalik sa kwarto ko. Nagbasa basa muna ako ng pocketbook tsaka ako nakaramdam ng antok.

'ZzzzZzzzZZzzzzzzZzz'

Waaah! Nalindol ba? Bakit gumagalaw ako?! Magugunaw na ba ang mundo?

"Hailey!"

"HAILEY KIM GISING!"

"Jaz Kim!! Gising na."

"Hoy!"

Inis akong bumangon at sumalubong sakin ang pagmumukha ng kapatid ko. Ang aga-aga!

Bakit ba 'to nagsisisigaw? Nakakainis! Kala ko gugunaw na ang mundo.

"What!?" Inis na tanong ko.

"Finally!!"

"What are you doing here?" Does he even know how to knock?

MY NAME IS HAILEY KIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon