Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung nangyari sakin sa music hall.
Hanggang ngayon di ko pa rin siya nakikilala. Hanggang ngayon walang alam sila mama.
Mabagal pa rin akong kumilos as usual. Nagiging daily routine ko na ata un, pero hindi naman ako ganto nung nakaraang taon.
Oo nga pala nalate ako sa flag ceremony namin kanina kaya madedetention ako. Ang bagal ko kasing kumilos. Ang sarap kasi nung breakfast ko. Tsaka kumpara sa height ni Kuya maliit ako kaya naiiwan ako dahil ang bilis niyang maglakad.
Nakikinig lang ako sa professor ko nang bigla kong maalala ung halik nung mysterious guy. Bakit ba paulit ulit ko yun naaalala?
Hindi ko namalayan na uwian na.
"Okay class dismissed. Maiwan ka Ms. Kim." nagnod lang ako.
"Bakit po sir?"
Papagalitan ba ako ni sir dahil alam niyang hindi ako nakinig kanina?
Actually kanina pa ako lutang.
Sana wag madetention.
"Ms. Kim can you do me a favor?" sabi ni Sir.
"Yes sir?"
"Gusto mo ba ng credits?" nagnod na naman ako. "Can you tutor Mr. Troy Lee? Ikaw kasi ang pinakamagaling sa klase ko. And I suggest it's a Yes? Balakid ang pagkakaroon ng detention sa pagiging Valedictorian mo."
So nabalitaan niya na rin pala.
Juice ko! Ano pa nga bang magagawa ko? Edi yes? Sayang credits.
"Okay sir!" sabi ko kahit ayoko sa makulit na un.
"Great! Ikaw na lang ang magsabi sa kanya ah. Thank you. I'll give you more credits. See yah." abot tenga ngiti ni sir. Ang sipag naman niya.
Matapos un nakita ko sila nandun pa rin sa canteen. Lumapit ako sa kanila.
Kung wala sila dun sa Private Room andun sila sa Private Place nila sa canteen.
Nandun sila sa dati nilang pwesto. Natural na sila lang pwedeng umupo dun dahil takot sa kanila ang mga estudyante dito. Feeling ko ung mga tao pinagsasabunot na nila ako sa isip nila kawawa naman ako. Grabe ang sasama ng tingin nila sakin.
Kasama nila si Nathan, bali si Nathan hindi naman talaga siya kasali sa Gifted. I mean qualified naman siya halos lagpas na nga e. Kaso katulad ko mas gusto namin ang tahimik na buhay. Pero bilang isang gwapo, matipuno at matalinong lalaki si Nathan hindi niya maiiwasan ang pagkaguluhan.
Magkasundo sila nila Kuya Harold. Dahil magaling din siya sa basketball. Gifted 6 na ang tawag kela kuya inshort G6.
"Oi piggy bat andito ka ha?" sabi ni Kuya habang hinaharangan ako papunta sa kanila. Sumilip ako tapos tinignan si Troy na nakatingin sakin.
"Oi Troy! Sabi ni Sir Miguel kailangan mo raw ng tutor kaya mamaya pumunta ka sa bahay. Bwiset ka istorbo!" pagkasabi na pagkasabi ko nun. Umalis na ako. Pumunta na ako sa detention room.
Pero bago un bumili muna ako sa canteen tutal andun na din naman ako. Nagutom ako.
Isang oras din un, hindi na ako nagpa-intay kay Kuya kaya maglalakad na lang ako. Ayoko na siyang abalahin para balikan pa ako tsaka nadrain na din ung battery nung phone ko kaya di ko na siya natext. Pero gabi na kaya binilisan ko ang takbo. Sa kamalasmalasan ay nakabunggo na naman ako.
"Uyy sorry. Hailey rigth? Nice to see you again." Nakangiti niyang inabot ung kamay niya tapos kinuha ko iyon para maitayo ako.
Ano kayang nice dun? E ang sakit nga ng pwetan ko. Grabe hindi kaya nananadya to? The first time na nagkita kami e ganto rin ung set up namin.