MNIHK 1
Hailey here! ♔
Hindi ko maiwasang malungkot.
Kailangan niya ba talagang umalis? Kailangan ba na iwanan ako ng mga taong mahal ko?
"Huwag ka nang malungkot. Next semester pa naman yun. Oii." Sabi niya at patuloy pa rin siya sa pagkalabit.
Ayoko talaga sa mga tao na kung kelan ka pa naging malapit tsaka sila mang-iiwan.
"Sinong malungkot? Alam mo sinasayang mo lang ang laway mo, tumahimik ka na lang pwede ba?" Sagot ko.
"Ayiiee! Tara nga dito." Sabi niya sabay hila sakin para yakapin ako. "Concern siya oh. Huwag kang mag-alala gusto mo sabay pa tayo matulog? Huwag ka na kasing magtampo. Babalik naman ako." Sabi niya habang nagpupumiglas ako.
"Hindi ako concern. Nanghihinayang lang ako sa laway mo tsaka pwede ba wag kang magbitiw ng salitang di mo kayang panindigan?" Inis na sabi ko. Alam kong hindi siya ganung klase ng tao pero masisisi niyo ba ako? Minsan na 'ko nabigo.
"Babalikan kita. Mag-aaral lang ako dun. Hindi ko hahayaan na wala ako sa mahahalagang araw ng buhay mo... best friend ata kita." Yes. Best friend, yan ang estado namin. Iyan lang ang relasyon namin sa isa't-isa.