Inyong lingkod, timang na blobfish

1K 23 5
                                    

Inyong lingkod, timang na blobfish

O reader, ba't napadaan ka ata?

Binabalaan kita, mga gawa ko'y bilasa

Bulok, pulos kalokohan at pawang walang kwenta

At para sa iba'y isa nga lang basura

Pero nandito ka na rin lang, kaya't ika'y aking iwewelcome

Ikaw na siguro ang reader na aking inaasam

Basher ka man o ranter, wala rin akong pakealam

Welcome pa rin dito maging mga mangkukulam

Clichè na raw ngayon ang mga romance story

Para maiba naman, itry niyong itong tula kong korni

Madaling basahin mga ginoo't binibini 

Hindi ubos-oras kaya't di kayo magsisisi

Mga tulang ito'y bunga lamang ng pagkabagot

Para utak ko naman ay hindi balutan ng lumot

Di ko kayo masisisi kung sa ulo'y mapapakamot

Pagkat mga susunod na tula ay sa kinalawang na utak  hinugot 

Pasensya ho, ako'y isdang walang magawa sa buhay

Di ho pala biro mapabilang sa mga dakilang tambay

Ako'y batong bato na dito sa aming munting bahay

Kaya't naisipan gumawa ng tulang walang saysay

Welcome lahat dito, teenager, gurang o childish

Pati wattpad writers na nangangarap makapag-publish

Pwede rin dito kahit di marunong mag-english

Karamay niyo ako, inyong lingkod, ang timang na blobfish

Tula-Tulaan (Mga Kwentong Patola)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon