At least..

197 10 4
                                    

At least..

Buti pa sila, may cellphone na touch screen

De-wifi na kahit san ay pwedeng gamitin

Pero okay na rin itong cellphone kong kaskasin

At least hindi ito pagiinteresang isnatchin

Buti pa sila ang gaganda ng mga damit

Kapag nakita mo ang presyo mata mo'y maniningkit

Pero okay lang kahit damit ko'y pang-yagit

Dahil kahit ano mang isuot ko, at least hindi ako pangit

Buti pa sila ang laki ng kanilang bahay

Kitang-kita na may narating sila sa buhay

Pero ayos na rin itong naipundar ni tatay

Maliit man, at least madaling linisin ni nanay

Buti pa sila ang sasarap ng kinakain

Araw-araw nasa fastfood na kay lamig ng hangin

Pero ayos lang kahit simple ang ulam at kanin

At least si nanay talaga ang mismong nagluto at naghain

Buti pa sila tambay sa sinehan

Chill lang habang may popcorn na nilalantakan

Pero mas astig itong pinapanood  ko sa labas ng bakuran

Libre pa ang nood sa kapitbahay kong nagsasampalan

Buti pa sila, may boyfriend na ubod ng lambing

Sobrang sweet, wala ka nang ibang mahihiling

Pero okay lang kahit single ako at walang kapiling

Dahil sa takdang panahon, alam kong siya rin ay darating

Buti pa sila super photogenic

Sa facebook DP nila ang laging topic

Ngunit minsan ako'y napapahagikhik

Dahil sa mga picture mukha silang nagpolbo ng Mik-Mik

Buti pa sila sobrang dami ng followers

Pangalan nila'y bukang bibig ng mga wattpaders

Pero okay na rin kahit di ganun karami aking readers

At least di tulad nila, wala naman akong bashers

Buti pa sila sa magandang school nagaaral

Tuition fee nila'y nakakalula sa sobrang mahal

Di bale, kahit pa ako'y magbote-bakal

At least pinipilit kong mabuhay ng may dangal

Hindi dapat kainggitan ang kung anong meron ang iba

Imbis ay bilangin mo nalang ang mga biyayang meron ka

Biyayang tunay na dapat ipagpasalamat sa Kanya

Na nakalulungkot mang isipin pero nakalimutan na ng iba

***

Dedicated to ate Alyloony! One of the most humble authors here sa wattpad :))

Tula-Tulaan (Mga Kwentong Patola)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon