Estupidong Kupido
Ako ngayon ay sumulat ng tula
Dahil kanina ko pa nais ngumawa
Inis at pagka-asar ay gustong kong mawala
Sa nabalitaan kong kapalpakang kanyang ginawa
Pano ba naman ito ho kasing si Kupido
Titira na nga lang hindi pa asintado
Sabi ko'y asintahin at panain ang kanyang puso
Ako'y nganga, aba't iba ang pinana ng damuho
O pareng kupido, bakit nagkaganyan?Ikaw ay aking lubos na pinagkatiwalaan
Anong nangyari, ikaw ba'y nagduling-dulingan?
Bakit sa lahat ng tatamaan mo, ang matalik ko pang kaibigan?
Tangina Kupido, ang sakit sakit
Kapag nakikita ko silang dalawa ay gusto ko ng pumikit
Puso ni crush ay hindi mo nagawang masungkit
Pwedeng pa-mura? Isang malaking BULLSHIT
Wasak na wasak, durog na durog
Mga luha ko'y kanina pa nais sumabog
Ngayon ay kayakap ang isang bote ng Gin bilog
Umaasang makakalimot kapag ako'y nakatulog
Pero leche lang noong ako'y nagising
Sapagkat ang hapdi at sakit ay nandoon pa rin
Walang silbi ang alak na binili kena Mang Gusting
O kupido, sabihin mo, ang bang dapat kong gawin?
Ilang araw rin akong nagkulong at nagmukmok
Minsan pa nga ay naisipan ko pang magpausok
Tiniis ko ang pighati at pagiisa dyan sa madilim na sulok
Pero wala namang napala, pinapak lang ako ng lamok
Hanggang isang araw may kumatok sa pintuan
Nagdadalawang isip man ngunit ito'y aking binuksan
Si estupidong kupido bumungad sa aking harapan
Aking nasambit, "Galit pa ko sayo, bakit ka napadaan?"
Siya'y sumagot, "Wag ka nang umiyak magandang binibini
Aminado naman ako sa kapalpakang nangyari
Katunayan ay nandito ako para humingi ng sorry
At para ipakilala ang tunay na nakalaan sayo, si Henry."
***
Dedicated po kay xmeimeix. I've been a silent reader of her works, and yes, I could tell she just love the concept of falling inlove. So yeah, this one is for her.