Catherine Faith's POV
Monday na ngayon at nandito ako sa school.
Naghihintay nalang ako ng milagro para bumilis ang oras kasi tapos na ako magtest. Ito na ang last subject ko.
Midterms na ngayon.
Wala naman ako masyadong ginawa kahapon kasi nagreview lang ako.
Hindi rin ako binwiset ni Jiyong kasi ang alam ko ay nagkaroon siya ng emergency meeting.
Sana ganoon nalang palagi para hindi niya ako nilalandi. Hahaha!
Tinignan ko ang mga kaklase ko.
Madami na din ang tapos na kagaya ko.
*Phone rings*
Halos mapaigtad ako nung biglang tumunong yung cellphone ko.
"Kanino 'yon?" nakataas na kilay ng professor namin.
Nagtaas ako ng kamay.
"Maam, akin po. Sorry po. Isa-silent ko po." paumanhin ko.
"Isa pang marinig kong mag-ring 'yan, ihahagis ko yan." banta niya.
Ay! May pagka-amazona si Madam.
Hindi na ako sumagot kay Maam.
Tinignan ko kung sino yung tumawag.
1 Missed Call from Jiyong Kumag.
Psh! Ano na namang kailangan neto?
Ie-exit ko na sana sa call log at isa-silent nang biglang.....
*Phone rings*
Napatingin sakin si Prof--- ano nga ba ulit pangalan neto?
Holy Moly.
"Ms. Lee, akin na 'yan." lumapit sa akin yung prof.
Hindi ko agad binigay sa kanya.
"Maam, sorry po. Itu-turn off ko nalang po." sabi ko.
"No. Give it to me. Alam mong bawal ang mag-cellphone during exam." mataray niyang sabi.
Nako. Lagot na.
"Maam, sorry po."
Alam kong natatawa na sa kaloob-looban 'yang mga kaklase ko.
"Give it to me, Ms. Lee."
Binigay ko sa kanya.
"Antique ba 'yang cellphone niya?" narinig kong bulong ng kaklase ko.
Wow ha! Bumulong ka ate ha?! Atsaka grabe ka maka-antique, hindi naman yan 3210.
May wifi at front cam pa nga 'yan eh. Tss.
"Ma'am, sorry po. Hindi na po mauulit." nagmamakaawang sabi ko.
"Talagang hindi na mauulit kasi ihahagis ko na 'to."
Halos lumuwa yung mata ko nung biglang hinagis ni Maam yung phone ko.
"Owww." narinig kong saad ng mga kaklase ko.
Wala na akong nagawa kundi ang tignan sa sahig ang nagkalas-kalas na cellphone ko.
*RIIIIIIING*
"Ok class, you may go."
Nakatulala lang akong lumabas.
Wala akong iba pang narinig sa prof ko. Hindi man lang ba siya naawa sakin?
BINABASA MO ANG
Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017
RomanceShe's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pure. She's innocent. She's Catherine Faith Lee. He's popular. He's a billionaire. He's the man that has everything. He got the looks, the mon...