Chapter 10

63.3K 1.4K 21
                                    

Catherine Faith's POV

Lutang ako habang naglalakad sa hallway. Gusto ko sanang magpahangin sa rooftop.

Paakyat na ako sa hagdan ng makasalubong ko si Jiyong. Aba, hindi ko na ito masyadong nakikita ah! Malamang busy siya sa 'alam nyo na'

Tinignan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala.

Wait. Kilala niya ba ako? Siguro, hindi. Malamang hindi niya rin kilala yung mga nakakahalikan niya.

Tama lang pala yung ginawa niya na pagtingin niya sa akin na parang hindi niya ako kilala.

Pagkatingin niya sa akin, naglakad na siya at nakita kong dumating si Kenneth.

Hindi pa naman ako nakakalayo sa kanila kaya narinig ko yung usapan nila.

"Pre, ano na?" tanong ni Kenneth kay Jiyong habang naglalakad sila palayom

"Busy ako eh. Lalo na't nalalapit na yung event for Mr. and Ms. NSC." sabi niya.

"Wow nice naman. Kasali ka?" tanong ni Kenneth nang tuluyan na silang makalayo kaya hindi ko na narinig yung tugon ni Jiyong.

Napagdesisyunan kong umakyat na at dumiretso sa swing.

Oo, may swing dito sa taas.

May isa pa pala akong problema.

Yung pagsali ko sa Ms. NSC! Kundi ba naman kasi siraulo si Tristan eh!

Paano na ito?

Flashback

Earlier...

Nasa room pa kami, wala naman kaking ginagawa pero nandito pa yung instructor namin, ayos lang daw kung ano gawin namin.

"Hala naman Tristan eh! Bakit mo ko ni-nominate?!" sigaw ko kay Tristan.

"Wala. Trip ko lang." tumawa siya.

"Aish! Bawiin mo yun!" sabi ko. Kasi naman eh! Wala akong interes sumali sa mga ganyan."

"Hindi pwede. Ayoko." sagot niya.

"Dali na kasi!! Nakakainis ka naman eh!!" nakasimangot kong saad.

"Sumali ka. Kaya mo yan. Bye! And by the way, nice clothes...........--"

Napansin kong may tinignan siya sa katawan ko.

....... and malaki din pala." sabi niya at ngumisi.

Ano daw?

Malaki? Ang alin? Yung damit?

Tinignan ko ang damit ko. Suot ko nga pala yung sinabi na Dara na suotin ko daw. Pero hindi naman malaki yung damit ah. -___-

Monggoloyd talaga si Tristan.

Nang umalis siya ay naiwan ako doon na nakatunganga.

Ano na gagawin ko? Ayoko namang mag-back out kasi baka ma-disappoint si Sir. Dapat si Tristan ang magsabi kay Sir na ayaw kong sumali at dapat may ibang i-recommend si Tristan na sumali.

Naisipan kong lumabas nang bigla akong tawagin ni Sir.

"Ms. Lee."

"Yes, sir?"

"Ang event ay gaganapin next week."

Ano?! Next week?!

"Sir, hindi po ba masyadong maaga yun? Baka hindi ko po kayanin..." reklamo ko.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon