Catherine Faith's POV
Nagising ako nung nakaramdam ako ng uhaw.
Gabi na rin at tulog na si Harin.
Naisipan kong bumaba at uminom.
Nagtungo ako sa kitchen at kumuha ng tubig.
Uminom ako.
*BOOGSH*
Saan galing 'yong tunog na 'yon?
Parang sa pinto ata 'yon galing.
Medyo kinakabahan ako ah.
Baka may loko-lokong naligaw sa condo tapos nagwala sa hallway.
At yung unit ko, ang napagdiskitahang pag-tripan! Nooooo!
Pumunta ako sa sala.
Naisipan kong pumunta sa pinto at pakinggan yung tunog mula sa labas.
Wala ako masyadong marinig kasi soundproof itong buong pad.
Naramdaman ko na parang may pilit na bumubukas ng doorknob.
Kumuha ako ng walis tambo. Pang-self defense para kung may gawin sakin.
Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob.
Nang tuluyang mabuksan yung pinto.
Nabitawan ko yung walis tambo.
O___O
"Jiyong?" pagsisigurado ko.
Mukhang antok na antok siya at amoy alak din siya.
Halos mag-panic ako nung bigla siyang tumumba.
"Jiyong!" sigaw ko at inakbay ko sakin yung isa niyang braso para makatayo siya.
"Jiyong naman eh! Umayos ka nga!" sabi ko.
Asa naman akong susundin niya 'yon. Lasing na lasing oh.
Ang bigat! Nakakainis! Dinagdagan pa ako ng poproblemahin!
Patpatin na mabigat?
Yung totoo? Ano mabigat sa kanya? -____-
Tumapat ako sa pinto ng unit niya.
Nakaakbay pa rin siya sakin, alalay para hindi siya tuluyang bumagsak.
"Hoy Jiyong! Asan yung susi mo?" tanong ko.
"N-nasha b-bulsha..."
Lasing na lasing jusko -___-
Atsaka sa bulsa?! Ayoko.
Siya kumuha sa bulsa niya.
"Jiyong, kunin mo sa bulsa mo." utos ko.
Umaasa pa rin ako na susundin niya ako.
".........." wala na. Knock out na siya.
Saang bulsa ko naman kukunin?
Sa likod? Sa harap? Sa right? Sa left?
"Heaven, kayo na po ang bahala sakin." nagdasal ako bago kunin yung susi sa bulsa ni Jiyong.
Kinapa ko sa bulsa niya.
Dahan-dahan kasi baka mamaya iba yung makapa ko. Yung alam niyo na. ~___~
"Uhmmm." narinig kong sambit ni Jiyong.
Ano ba 'yan, Jiyong! 'Wag ka naman mag-ganyan oh. Nakakasuya.
BINABASA MO ANG
Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017
RomanceShe's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pure. She's innocent. She's Catherine Faith Lee. He's popular. He's a billionaire. He's the man that has everything. He got the looks, the mon...