Chapter 14

59.1K 1.2K 81
                                    

Catherine Faith's POV

"Ughhh."

(o___-) (-___o) (o__o)

"Ay jusmio!!"

Nagulat ako dahil paggising ko bumungad sakin ang mukha ni Harin.

"Ay grabe ate. OA ah!" reklamo niya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko.

"Ate, may tao sa baba!"

Huh? Sino? Ganito kaaga? Teka, anong oras na ba?

Kinuha ko sa gilid ng unan ko yung cellphone ko para tignan ang oras.

Nakita kong 9:15AM na pala. Nakita ko ring may text kaya binasa ko 'yon.

From: 0948*******

Ms. Lee, this is Mr. Alvarez. Walang practice ngayon ang girls kasi practice ngayon ng boys para sa pagrampa nila at bukas, ie-excuse kayo sa lahat ng subject niyo kasi hindi na kayo papasok para ma-practice niyo yung gagawin niyo sa talent portion. And oo nga pala, sa Tuesday ang pasok niyo ay 3:00 PM para sa last practice. :)

Pagkabasa ko nun ay nilagay ko sa contacts ang number ni Sir at nagreply na ako.

To: Sir Alvarez

Sige po, sir.

Pagkasend ko nun ay binalingan ko si Harin.

"Sino nga pala ulit yung bisita?" tanong ko.

"Bumaba ka kaya ate para malaman mo." pagkasabi niya nun ay bumaba na siya.

Naghilamos ako at bumaba na.

Nang makababa ako ay....








"SURPRISE!!"




O____O






Nakita ko sila Dara at Bommie.

Napanganga ako dahil na-surprise talaga ako.

"Faith? Wag kang ngumanga diyan." sabi ni Bommie at tumawa siya.

"Faith, halika na dito. Nagdala kami ng almusal." aya ni Dara.

Wow. May pa-almusal.

"Sige, eto na." sabi ko at sumunod sa kanila papuntang kusina.

"Harin, kumuha ka ng mga plato." utos ko.

"Okay." sagot niya

Nang makakuha siya, nilagay namin doon yung binili nila Dara--- bacon and pancakes.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ang cute cute mo pala, Harin!!" hagikgik ni Dara.

"Mas cute ka kay Faith! Hahaha!" sabat ni Bommie.

"Oo nalang." bored kong sagot.

"Harin, ilang taon ka na?" tanong ni Dara.

"12 years old po."

Aba! Kay Dara at Bommie, nagpo-po at opo!

"Ang cute cute mo talaga! Mamaya bonding tayo ah! Ipagluluto kita!"

Nako. Mukhang magkakasundo sina Dara at Harin ah!

"Sige po." :)

"Huy Dara! Hinay-hinay lang kay Harin!" sabay tawa ni Bommie.

"Kapag kami nagkaanak ni Jiyong, paglilihian kita!" sabi ni Dara kay Harin. Tila natahimik kami ni Bommie.

Eh? Jiyong? Psh.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon