Chapter 3

79.3K 1.6K 62
                                    

Catherine Faith's POV

*blink blink*

"Ate!!"

Napaigtad ako ng marining ko ang sigaw ng kapatid ko.

"Ugh. Ano yun?!"

"Wala lang hehe! Good morning ate! Hahaha! Nagluto ako sa baba ng pancakes, kain tayo." sabi niya sabay lakad palabas ng kwarto.

"Salamat, Harin!" napatigil siya sa paglalakad.

"At oo nga pala, ate. Magbanyo ka na kasi may panis na laway ka pa sa labi hahaha!" saad niya tapos bigla siyang tumakbo.

Loko talaga 'yong batang yun! Pumunta nalang ako sa banyo para maghilamos at bumaba na para kumain.

Habang nasa hapag-kainan...

"Kamusta ka kahapon, bunso?" tanong ko.

"Ayos naman ate."

"Ah ganun ba? Pasensya nga pala kahapon ah. Alas nuebe na ako nakauwi kasi maraming tao sa restaurant eh, di kita naasikaso." pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang yun. Kaya ko na sarili ko, ate."

"Sige, dalian na natin. Anong oras na."

"Ay ate, dumating pala yung bill natin sa internet at tubig."

Nagtataka kayo kung bakit kami may internet, noh? Pinakabitan ko ng net para hindi na kami lumalabas para mag-internet kasi delikado na sa panahon ngayon.

Nako po. Kakaunti palang ang naiipon ko. T___T

"Asan na yung bill?"

"Nandyan lang sa tabi ng TV."

Tumayo ako at kinuha ang bill. Nanlulumo talaga ako kapag nakakakita ako ng bill, jusko. Tumaas lang ng 200 pesos ang babayaran namin sa tubig kesa nung bill namin dati. At sa internet, ganoon pa rin naman.

Mamaya ko na agad babayaran para hindi ko makalimutan.

Pagtapos namin kumain ay naligo at nag-ayos na kami at hinatid ko na si Harin.

"Bye Bunso! Aral mabuti ah."

"Sige ate. Babye!!" pumasok na siya sa gate at naglakad na ako.

Sa paglalakad ko, may biglang bumusina.

Nilingon ko iyon at bumaba ang car window, at nakita kong si Dara ang nasa loob.

"Hey Faith! Hop in." utos niya.

Nag-aalinlangan pa ako. Syempre pabebe ako.

"Ah eh. Wag na. Malapit na lang naman yung school."

"Hayst. Ang tigas ng ulo. Sumakay ka na o kakaladkarin kita papasok ng kotse."

Oh diba, ang ganda ng choices? *sarcasm*

"Oh eto na nga, sasakay na."

Pagkasakay ko...

"Bakit naglalakad ka lang?" tanong niya.

"Hinatid ko kasi si Harin atsaka malapit lang bahay namin."

"Kapatid mo yun diba?" pagkukumpirma niya.

"Oo."

"Gusto mo ba, daanan kita sa bahay mo kapag papasok na ako? Para sabay tayo." alok niya.

"Naku hindi na. Nakakahiya na masyado. Wag na, Dara." hindi ko pagsang-ayon.

"Sige naaaa~" pilit niya.

"Hindi, Dara. Pinagbibigyan kita kaya ako pagbigyan mo sa ngayon. Okay?" pagmamatigas ko.

"Err? Okay..."

Nakarating na kami sa school. Nag-goodbye kami ni Dara dahil magkaibang klase ang papasukan namin-- ang course niya kasi ay Financial Management at ako ay Fine Arts kaya dalawang subject lang ang magkaklase kami. Nag-part ways na kami.

Pupunta ako ng locker para mabawasan yung bigat ng bag ko. Nagdala kasi ako ng mga libro para ready ako kung kailanganin man.

Naglalakad ako papuntang locker ng may marinig ako.

"Ahh! Ahh!"

"Shh! Shh! Keep quiet!"

"Ugh! Faster!!"

"Quiet!!"

"Faster, ugh. Faster..."

"Let's continue this later at my condo. Meet me after class."

Faster? Ungol? Huh? Anong meron? Anyways, dumetso na ako sa locker ko.

Habang nag-papasok ako ng gamit sa locker. May naramdaman akong lumabas sa locker room pero hindi ko pinansin. At nung pagkasara ko ng locker, may nakita akong babae na lukot lukot ang damit at medyo magulo ang buhok. Tinignan ko lang siya sandali at lumabas na.

Pumasok na ako sa room ko.

Aba! Medyo dumami na ang mga estudyante! May nakita akong pamilyar na mukha.

"Catherine!!" Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Bommieee!!" sabi na nga pamilyar yung nakita ko kanina eh at si Bommie yun!

Niyakap niya ako. "Kamusta ka na?" tanong niya at kumawala sa yakap.

"Ayos naman ako. Ikaw?"

"Ayos na ayos lang!"

Kaklase ko dati si Bommie nung highschool at naging close din kami. Medyo cool at kalog siya pero mabait din siya.

"Weh? Baka may boyfriend ka na ah! Huwag mo pababayaan ang pag-aaral mo ah!"

"Wala ah! Atsaka syempre never kong papabayaan ang studies koooo~" ang hyper niya talaga hehehe.

"Good yan pero bawas-bawasan ang kakulitan ah. Kukurutin kita!" biro ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Biglang dumating si Professor Tablo at nagdiscuss na.

Nung break time na, sinamahan ako ni Bommie papunta sa cafeteria at nagtext si Dara.

*1 Message Arrived

From: Dara

Hintayin mo ulit ako.

Hindi ko na nireplyan si Dara at sinama ko si Bommie sa paghihintay kay Dara.

"Bommie?"

"Dara?"

"Ohmygee! Kyaaaaa~" -Bommie

Nagyakapan sila. Anong meron, guys?

"Kamusta ka na?" -Dara

"Ayos naman ako. Ikaw?"

"Ayos lang din. Ikaw ha. Bakit di ka pumasok kahapon?"

Hangin lang ako dito, guys.

"Ehh nakakatamad. Wala namang gagawin."

"Oh Faith, hindi pa pala namin nasasabi sayo na close kami neto ni Bommie!"

How nice naman. Magkakaibigan kami.

"Ohhh. Papakilala ko pa naman si Bommie sayo. Pero good thing, magkakilala na pala kayo. No need for introduction."

"Kayo? Pano kayo nagkakilala ni Faith?" tanong ni Bommie kay Dara.

"Kinaibigan ko siya kahapon kasi mukhang makakaclose ko siya. Eh kayo?"

"Magkaklase kami nung highschool at close din kami dati."

"Oh I see."

-----
Bommie Dela Vega on multimedia :)

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon