"And as her voice cracks, so are my hopes for a complete family."
Minsan sa buhay nating mga tao, hindi maiiwasan na masaktan. Masaktan dahil sa mga dagok ng buhay na patuloy na dumaratal sa atin, dahil sa mga pagsubok na pilit na hinaharap ng isang indibidwal. May mga oras na pakiramdam nati'y kailangan na nating sumuko't umalis nalang. Talikuran ang mga problema'ng kinakaharap natin. But one thing is for sure and will never change even until the end of time.
Life is unfair.
I always hear people with a positive disposition say "Kung mahal ka, babalikan ka." And of course ako naman si bitter na galit sa mundo na naging pananaw na, na hindi mo dapat iwan ang mga taong alam mo'ng malulungkot 'pag alis mo. The thought is absurd. Why would you leave a person if in the first place you love them?
X X X
"You don't need to do this Harold!"
Isang malakas na sigaw mula sa first floor ng bahay namin ang nagpabalikwas sa sa akin para bumangon mula sa higaan ko.
Papungas-pungas na bumangon ako at umupo sa kama. Half of me is still asleep and wants to go back to bed. Nagmu-muray-muray ako ng narinig ko ulit sumigaw si Mommy.
"You'll leave?! How about our children?! Si Charity, she's only ten years old. Matitiis mo ba'ng lumaki ang anak natin na walang ama? " After that, nadinig ko ang mahihinang hikbi ni mommy.
"I'm sorry, Gie. It's just that I can't stand being with you anymore. 'Wag ka mag-alala. Magpapadala pa rin naman ako ng sustento para sa mga anak ko." Boses naman ni Dad ang narinig ko.
Hindi na ako nakatiis. Dali-dali akong bumaba sa first floor at kung maari man sumabog ang puso't madurog and to step on the shattered pieces on the floor ay 'yun siguro ang nararamdaman ko ngayon.
Si Mommy, nakaluhod habang basa ng luha ang mga pisngi't nakayakap sa kaliwang hita ni Dad na may dala-dalang dalwang backpack at isang maleta. I may be a ten-year old spoiled brat but I'm not too shallow. I'm not that dense to know what's happening around me. Mom and Dad, maghihiwalay.
"Please, Harold. Stay for the kids, stay for Charity." Mom said in a cracked voice.
And as her voice cracks, so are my hopes for a complete family.
"Stop it, Gie. Tirhan mo naman ng kaunting respeto ang sarili mo." Madiin na sabi ni Dad. "If you can't understand what I am trying to impose, then here is it." Dad heaved a sigh before talking again. "I. Don't. Want. You. Anymore." Dad said, giving emphasis to every word he's saying.
'Di na ako nakapag-tiis. Mabilis akong umamba na pababa ng hagdan pero kasabay nun ay ang pagdating ng kapatid ko – Si Kuya Hector.
"Ma, kung gusto'ng umalis ni Papa, 'wag mo na siyang pigilan pa." Bigla-bigla nitong saad habang nakatingin kay Mommy sa malamig nitong ekspresyon. "Eh, tutal 'yan naman ang gusto niyang gawin noon pa, hindi ba Pa?" Bumaling naman ito kay Daddy, "Kating-kati ka na nga'ng umalis at nakalimutan mong may pamilya kang maiiwan dito." He grimaced all the time he was talking to Mom and Dad.
"Hindi kita pinalaking ganyan, Hector!" Kasabay ng pagka-ulinig ko sa matigas na boses na pagsigaw ni Daddy ay ang pag-alingawngaw naman ng isang malutong na lagapak sa kanang pisngi ni Kuya Hector.
"News flash, Dad. Hindi naman talaga ikaw ang nagpalaki sa 'kin." Saad niya habang may nanunuyang ngiti.
Hindi pa rin nakakabawi si Kuya Hector mula sa pagkakasampal sa kanya ni Dad ng biglang nagsalita si Mommy, "Lumayas ka na, Harold. Ngayon din." Mahina pero matigas na pagkakasatinig ni Mommy.
YOU ARE READING
Yesterday
RomanceCharity, Zach, and Ace's story. A story of forgiveness, second chances and, of course, love. A Wattpad featured story, Romance © JoshLozada stories All rights reserved. Say no to plagiarism. UNEDITED