Chapter 1: Meet the Twins

323 15 2
                                    

A/n: Guys!!! Kinakabahan ako.! Promise.. Di ko alam kung may mag babasa neto pero go lng!! 

Kaya ko to! 

Aja!

This is it.. 

.

--- 

Chapter 1: As Usual!

(Keisha's POV)

*krinnnngggggg* (a/n:sound po ng alarm clock yan xD)

Bigla akong napa balikwas ng higa at inabot ang alarm clock sa side table ng kama ko.. 

"Ugh! Ano ba yan bitin pa tulog ko!" =_____= 

Oo nga pala first day of school ngayon.. 

Wahhh!!! 4th year na pala ako!!!

"Anak bumaba ka na dito at mag almusal!" sigaw ni mama galing sa dining room.

"Yan na po!" nag hilamos muna ako sa CR ng aking kwarto at bumaba..

"Good morning anak!!" full of energy niyang bati sakin.. 

"good morning den ma" umupo ako sa gilid kung saan kaharap ko si mama.Tinititigan ko lang ang pagkaing nasa harap ko at linalaro laro ito gamit ang tinidor..

*snap*

"Huy! Para kang Zombie dyan! Ang kupad kupad mong kumilos..male-late kana!! First day pa naman ng pasok mo ngayon!! Aba kilos!" ano ba yan...nagulat naman ako kay mama...Kita namang nag de-day dream ako dito eh.. =___=

"Ma naman ginulat mo naman ako!" reklamo ko kay mama at umakyat na papunta sa aking kwarto at nag ayos ng aking sarili...

nang natapos ako ay bumaba na agad ako at pumunta ng kusina para mag paalam kay mama..

"Ma alis na po ako" Paalam ko kay mama..

"ah ganun ba..Isabay mo na sa pag punta mo sa school yung kambal baka kung saan yun mag punta at di pumasok sa school"

"ma naman! Ang kukulit ng dalawang yun eh..Chaka 1st year na sila..kaya na nila mga sarili nila =3= " Reklamo ko kay mama..

Tss ayokong kasama mga yun eh panigurado aasarin lang ako ng mga yun -_____-

"Keisha....." Grrrrrr!! I hate that when she calls my name like that...panigurado may punishment yan pag di ko siya sinunod..pssshhh =______=

"Baka gusto mong kunin ko lahat ng gadgets mo?" panakot ni mama sakin..at sigurado akong tototohanin nya talaga yun pag di ko siya sinunod.

tsss no choice!!! asar.Bakit kase gadgets pa naisipang panakot.. >___<

"Tss sige na nga!!" sagot ko kay mama at nag cross arms.

sakto namang bumaba ang kambal.. 

Sila ang aking younger brothers...Yolann Drake and Yohann Blake ang kanilang pangalan..Pero Drake and Blake for short..1st year na sila ngayong pasukan.Matanda ako sa kanila ng 3 years.16 ako 13 sila..

sa kasamaang palad...matangkad pa sila sakin..Nag mana sila sa papa ko na matangkad..at ako naman sa mama ko na di rin nabiyayaan ng height -_____-

"Good morning ma!" sabay nilang sabi at humalik sa pisngi ni mama.. 

"Good morning den mga gwapo kong anak!"bati din ni mama sa kanila.. 

"psshh..gwapo daw.Eh mas gwapo pa nga yung aso namin sa kanila" bulong ko

"Ano yun ateng maliit? may sinasabi ka?!" tanong sakin ni Drake.Mas matanda siya ng 5 minutes kay Blake.tss nag sisimula na naman sila sa ateng maliit thingy >___<

"grrr...stop calling me ATENG MALIIT!!" sigaw ko sa kanila at nag walk out. 

sinundan naman ako ng kambal.

"KUYA..sabi ni ateng maliit mas gwapo daw ako sayo!"pang aasar ni Blake kay Drake.

"Blake!! di ba I already told you na wag mo ako tawaging kuya!!!" sigaw ni Drake kay Blake.

tss..ayaw patawag ng kuya.. nag papa bata. matanda naman talaga siya kay Blake. 

5 mins. nga lang..pero atleast..MAS MATANDA parin siya no!!

pumunta na ako sa garahe at nakita si Manong driver na pinupunasan ang kotse.. sumunod ang kambal at nag tatalo parin..

"Good morning Po" bati ni manong sa akin.. 

"Good morning din po manong" pag ka bati ko sa kanya, agad akong sumakay sa passenger seat..Sumakay naman ang kambal sa back seat..at pinaandar na ni manong ang sasakyan..

hayy grabe sumasakit talaga ulo ko pag kasama ko yang kambal!! 

pansin niyo naman siguro na NAPAKA KULET at DALDAL ng mga yan! Dinaig pa ang babae sa sobrang Ingay!

Well..kahit ganyan mga yan love ko parin sila noh!! kapatid ko parin sila..kahit minsan..ay madalas pala..MAGULO sila..

----- 

a/n: tapos!! hahahaahhah ano masasabi nyo sa kambal?? ^___^

Pag Ako Tumangkad!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon