A/N: Hello guys! ^^ Gusto ko i-dedicate yung next chapter sapang 77 na mag co-comment dito sa PAT! ( Pag Ako Tumangkad! ) Join kayo ha! 7 is my lucky number eh ^^ pero yung plano ko talaga nung una, bibigyan ko ng dedic is yung pang 777 reads kaya lang nung natulog ako kagabe 776 palang... Kulang pa ng isa... Tapos pag gising ko 804 something na yung reads kaya di ko naabutan xD sayang yun.. Pero oks lang yun atleast dumagdag yung reads :) thanks sa inyo!
I dedicate this chapter to my Bestfriend Joanne Gomez! HI yannie ^^
Enjoy reading!
-*Chapter 9: It's not a REQUEST, It's a COMMAND*-
Keisha's POV
monday na ngayon at may pasok na naman!
May makikita na naman ako na mga mokong! >___<
Pumasok na ako sa room at nag start na ang 1st class... Wow! Himala di nambubwisit tong mokong na to sa tabi ko.. I'm reffering to Dwayne ha.. Remember he's my seatmate?
Ang aga-aga parang byernes santo sa kanya.. Lukot ang mukha..
Plantsyahin ko kaya!? Haha
"Ms.Montano!" tawag ni Ms.Catacutan saken. Chemistry teacher namen.
"Yes ma'am!?" nagulat ako sa Pag tawag niya sakin kaya napa tayo ako sa kina-uupuan ko.
"Are you with us!? Parang nasa ibang planeta na yang isip mo ha!? Why are you smilling alone there!?" luh? Ngumingiti pala ako mag-isa.. Bat di ko napansin? Ayts! Bwisit na Dwayne yan! Kahit na wala siyang ginagawa, na bu-bwisit talaga ako sa kanya! >____<
Pangisi ngisi pa tuloy tong unggoy na to sa tabi ko!
"I'll repeat my question. What is matter?" tanong ni ma'am.
"ahhmm.. Matter is anything that occupy space and has mass."
Phew! :3 buti na lang sisiw lang yung tanong niya.. Kahit elementary yata alam yun eh xD
"Good. You may seat now."
natapos ang 1st and 2nd subject ng di ako umiimik.
"Ok class dismiss." sabi nung teacher namin sa Math.
Nag silabasan na ang mga mates ko.
"Mr.Fajardo wait" natigilan ako sa pag aayos ng gamit ko at napalingon ako sa teacher. napatigil naman si Dwayne sa pag labas.
"Yes ma'am? What can I do for you?" tanong ni Dwayne sa kanya.
"Can I ask you a favor? Can you please bring this books to the faculty room?" tinuro ni ma'am yung mga books namin sa Math.
"Sure Ma'am. No problem"
"Thanks!" umalis na yung teacher at kaming dalawa na lang ang natira sa room.
"Ayts asar naman! Kung kailan ako nag mamadali tsaka ako nautusan!" pag dadabog ni Dwayne.
"oh.. Andyan ka pala Keisha" ngayon niya lang siguro napansin na may tao pa sa room.
"ay wala! Picture ko lang to!" sagot ko naman sa kanya.
"tss.. Ang tino mo talaga sumagot kahit kelan! Lapit ka nga dito" lumapit naman ako sa kanya.. Inabot niya naman sakin yung mga books.
"o-oy! Teka ano gagawin ko dito!?? Tsaka wait lang ang bigat neto oh!"
"I know you heard what Ma'am Jen said right? You're the one who will do that." ano daw!?
"What!? Ang kapal talaga ng mukha mo! Ikaw ang inutusan diba!? Ikaw ang gumawa! Tsaka mag re-request ka na nga lang di mo pa lagyan ng please!" himutok ko sa kanya! Ang kapal talaga ng mukha kahit kelan!
"It's not a REQUEST, it's a COMMAND" full of authority niyang sabi.
"aba't! Sino may sabi na may karapatan kang utusan ako ha!?" ang yabang talaga kahit kelan!
"Ikaw! Remember nung natalo ka nung nag bato bato pick tayo?" confident niyang sabi
meron ba'kong sinabing ganun?
hmmm....
FLASHBACK
"sige ganto na lang. Bato bato pick tayo up to 5. Pag ako nanalo bibigyan mo ko! pero pag natalo ako... Nganga ako :( " -ako
"ano ka sinuswerte?! Ikaw lang makikinabang pag nanalo ka? ang unfair naman nun. Ayoko nga!"
"oh sige pag nanalo ka, susundin ko lahat ng utos mo! Oh deal?! Wag mo sabihing mag iinarte ka pa! Ang ganda na nga ng offer ko!"
"susundin mo lahat!?? Geh deal!"
( end of FB )
"oh naisip mo na? Geh Gotta go! Bye!"
"h-huh!? huy Dwayne bumalik ka dito! Di ko kaya mag-isa to!" late na ako nag re-act dahil mabagal mag sink in sa utak ko yung about dun sa sinabi ko na gagawin ko lahat ang gusto niya!!! asar naman Keisha! tumakbo na siya paalis.
"asar naman! nasa ground floor pa ang faculty room tapos 3rd floor pa yung room namen! Ang bigat kaya neto! T____T " pag rereklamo ko sa sarili ko..
"asan ba kase si Alexa!? hayy bahala na si batman!" binuhat ko na ang mga books at nag simulang maglakad.
nasa hagdan palang ako sa 2nd floor kase di ko makita yung dinadaanan ko dahil sa mga books na'to at isa pa maliit nga ako diba!?
*boogsh*
nasa last stair na ako ng biglang may natapakan akong bottle ng mineral...
"Ouch!" hinimas himas ko yung part ng pwet ko na bumagsak. Nagsi hulugan din yung mga books na buhat ko kanina.
"sino ba kase nag iwan ng bote dito! asar naman!" meron naman kaseng basurahan eh.. nag simula na akong pulutin yung mga books.
"Oh anyare sayo?" pagangat ko ng ulo... pagmumukha ni ..
.
.
.
.
"DWAYNE! ikaw na naman! kaya pala minalas na naman ako!" di niyo ba napansen.. pag malapit siya saken, kung di ako matatapunan ng kape, madudulas naman ako! tsss asar lang!
"aba't sinisi mo pa talaga ako. Sabihin mo, sadyang CLUMSY ka lang talaga!" talagang inemphasize pa yung CLUMSY ha!
"akin na nga yan samahan na kita!" hinatid na namin sa Faculty room yung mga books.
"maka alis na nga dito! Baka MALASin na naman ako"
"Wait lang..
Sumama ka sakin" Hinila niya ako bigla palabas ng Faculty room...
"teka BASA!" napa hinto naman siya sa pag hila sakin.
"huh? anong basa?"
"BASA! WET!...
WET LANG! Makahila ka kase eh! sinabi ko bang pumayag ako?!"
"How many times do I need to tell you? It's not a REQUEST, it's a COMMAND! so wether you like it or you like it.. You'll come with me! Get it!?" at yun... hinila na naman ako -______-
TO BE CONTINUED! XD
-------
A/N: oo alam ko BITEN! haha kakatamad mag type eh.. ( Kelan nga ako ulet sinipag ? ) haha.. san kaya siya dadalhin.. sa tingin niyo?? haha. ABANGAN! ^^
feel free to ask questions kung naguguluhan kayo sa flow ng story ha! tnx :D
hugs and kisses :*
-MYKApcake
BINABASA MO ANG
Pag Ako Tumangkad!
Humor"Pag ako TUMANGKAD! who you kayo saken!" Ating kilalanin ang ating bida na SMALL but TERRIBLE!! at samahan sya sa kanyang Oh so BIG world na Punong puno ng kakulitan!!! Magiging hadlang kaya ang height niya sa buhay niya? Alamin!!!! Alam ko marami m...