Chapter 19: Selfie pa more II

25 0 0
                                    

This happened last year. Nagpunta kami ng kaibigan ko sa Baguio for the enrolment. Nagstay kami sa unit namin, sa kwarto ko. Habang masayang nagkekwentuhan ang kuya ko at ang best friend niyang lalaki, nagselfie kami ng close friend kong babae gamit ang iPad ni James, ang best friend ng kuya ko.

Dahil nakarami naman na kaming dalawa, sabi ko sa close friend kong si Ashley, magsolo na muna kaming dalawa. Pumayag naman siya so inayos ko muna ang hair ko gamit ang iPad as the mirror. Inilagay ko sa iisang side ang hair ko. Sa may left side. Noong okay na, nagselfie na ako tapos viniew ko 'yung picture. Laking gulat ko kasi wala akong mukha. Natakpan ng buhok 'yung mukha ko. Pinakita ko ito kay Ashley at nagtinginan kami.

Ash: Bakit ganyan ey?
Ako: Ewan ko rin. Inayos ko pa nga buhok ko diba? Nilagay ko dito. *showing sa may left shoulder*
Ash: Oo, nakita ko pang inayos mo.

Ayun, pinakita namin sa kuya ko at kay James pero 'di sila maniwala. Hinayaan na namin sila kasi busy silang nagkekwentuhan eh. Iniisip ko, 'yun 'yung babaeng tumatambay sa kwarto ko. Nakisama sa selfie ko. Haaaaay.


True to Life Ghost StoriesWhere stories live. Discover now