Chapter 6: PSSSSST! PART THREE

87 1 0
                                    

        Isang hapon, andito nanaman sa bahay ang mga kaklase ko at napagdesisyunan naming umakyat sa bubong. At dahil sa gutom, bumaba kami nung best friend kong lalake para bumili ng pagkain. Pumunta kami sa isang grocery na malapit lapit din sa amin. Matapos bumili, bumalik kami sa bubong. Pinauna ko siyang umakyat kasi wala pa akong balak umakyat dahil babalik ako sa grocery para bumili ng pagkain kasi may nagustuhan akong bilhin. Pera niya kasi pinangbili. Oo, magbest friend kami pero may hiya naman ako kaya pumasok ako ng kwarto ko at kumuha ng pera sa wallet ko. Bandang magseseven o’clock na noon eh nang nasa daan ako papuntang grocery. Madadaanan ko nanaman ‘yung lumang garahe at heto pa masaklap. MAG-ISA ko lang. Nang makatapatan ko ‘yung lumang garahe, may nagPSSSST! Napalingon ako. Nakatitig lang ako sa lumang garahe nang maalala ko, AII MALI! BAKIT AKO TUMINGIN?! DITO ‘YUNG SINASABI NILANG MAY NAGPPSSSSST! Napabilis ako ng paglakad nang umulit ito. PSSSSST! Napatakbo na ako doon sa guard.

Ako: Manong! Manong! May tao ba doon? Diba wala po?

Manong: Tao saan?

Ako: Doon po ngay.

Manong: Wala. Bakit ah?

Ako: ‘yung totoo?

Manong: Wala nga.

                Matapos kung bumili, nagpasama ako kay Manong pabalik ng bahay. Dire-diretso akong naglakad. Walang tingin-tingin sa gilid habang si Manong nakatingin doon sa may lumang garahe. Kung hindi niyo po natatanong, si Manong po kasi ay dating guard din sa sementeryo kaya malamang, sanay na po siya sa usaping multo.

A/N: Hey guys! :D Read my other story entitled Carnival Love by, yours truly, youreunbearable. :) Thank you. :)

True to Life Ghost StoriesWhere stories live. Discover now