Umiiyak ako noon habang kausap ang kaibigan ko sa cellphone. Dalawa ang hagdanan dito sa apartment kung saan kami nag-sstay. 'yung isang hagdanan which is nasa right side ko noon eh walang ilaw. Halos gabi-gabi, doon ako tumatambay kapag may kausap ako sa phone. Ewan ko ba't mas pinili ko doon eh may ilaw naman 'yung kabila. So 'yun na nga. Malapit lang ako doon sa hagdanan na 'yun ng nakita ko si Peripheral Vision ko na may paakyat ng hagdan at papunta sa akin kaya napatingin ako sa hagdanan.
Pagtingin ko sa hagdanan, may itim na lalaking papalapit sa akin at nakataas ang right hand niya. Para bang may hawak na kutsilyo at sasaksakin ako? At heto pa, ANG BILIS NIYANG MAGLAKAD. Malapit na siya sa akin. As in napa-O_____O lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Napahinto ako sa pag-iyak. Nung sobrang lapit na niya sa akin, doon na ako nagsimulang maglakad pero patagilid 'yung paglalakad ko. Napatingin ako sa left side ko habang tumatakbo at 'pag tingin ko sa kanya, wala na siya.
Hindi ko maikwento sa kaibigan ko dahil takot siya sa multo. Naku! Mamaya, binabaan pa ako eh. -.-"
YOU ARE READING
True to Life Ghost Stories
HorrorAre you fund of watching horror movies? Do you love hearing ghost stories? Do you have the ability to see ghosts around you? Can you feel them sitting beside you? Can you hear creepy noises made by them? Lastly, do you believe in ghosts? If yes, the...