Chapter 12: Sleepover

59 1 0
                                    

        It was January of the year 2013 ng magkakaroon ng activity sa TLE. Magbebenta ang mga 4th year students by group sa school. Dalawa sa kaibigan ni (itago nalang natin sa pangalang) Katelyn ang nagdecide na magsleepover sa bahay nila Kate. Ipeprepare na raw kasi nila 'yung mga panggawa ng cookies, fudge and others na ibebenta nila. Syempre, kailangan nilang magpractice para makuha 'yung tamang timpla. Nagsiuwian na muna sila para kumuha ng gamit tapos around 7, sinundo sila sa kanilang bahay at pumunta na sa bahay nila Kate. Nakailang ulit sila para sa paggawa ng brownies at cookies. Pinapatikim pa nga nila ito sa kuya ni Kate at kung sino pa ang nasa bahay para malaman kung ano ang opinyon nila tungkol sa lasa ng ginawa nila.

        Sinubukan din nilang lagyan ng Chocolate Syrup 'yung cookies. Around 10 PM ng pumunta sila sa kabilang town para makipagmeet sa isa nilang kaklase para manghiram ng Cookie Cutter. Nagkakwentuhan pa saglit tapos bumalik na sila sa bahay nila Kate.

        12 midnight na ng dalawin ng antok 'yung dalawang kaibigan ni Kate. Nagvolunteer na si Kate na siya na ang tatapos ng iba pang kailangang ihanda at sinabi na doon na matulog sa kwarto. Nasa dirty kitchen si Kate, nagchochop ng nuts ng may nakikita siyang dumadaan daan na itim pero binalewala niya ito.

        Nang mag-3 AM na, ginising na niya ang kanyang mga kaibigan at nagdecide silang lumabas ng bahay. Tulog mantika rin 'yung mga 'yun eh kaya nauna ng lumabas ng bahay si Kate. Pagbukas niya ng pintuan, may nakita siyang lalakeng moreno na nakaamerikana na itim na nakatayo sa 'di kalayuan sa harapan niya. Nakaharap 'yung lalake sa direksyon niya kaya napa-O______O lang si Kate. Maya-maya'y nandiyan na 'yung dalawa niyang kaibigan kaya naman napatingin siya sa kanila. Pagharap niya, wala na 'yung lalaking nakita niya kaya sa ibang direksyon na siya tumingin PERO laking gulat niya dahil mayroon nanamang panibagong lalaking nakatayo at nakatingin lang sa direksyon niya. Naka-amerikana rin. Binalewala niya ito at hindi ipinahalata sa mga kaibigan sapagkat takot na takot ang mga ito sa multo.

        Napagdesisyunan nilang pumunta ng playground. Pagdating sa playground, umupo 'yung dalawa sa swing na magkabilaan. Si Kate naman, nakatayo lang sa gitnang swing. Nagkekwentuhan sila ng may marinig si Kate na tunog ng plastic na para bang iwinawagayway kaya nagkakaroon ng malakas na tunog.

Kate: *nagpapanic* ANO 'YUN?!!!!

Friend 1: Ang alin?

Friend 2: Ahhh!! KATE! HUWAG KA MANAKOT!

        Nanahimik si Kate ngunit naririnig pa rin niya 'yung tunog ng plastic. Sinundan niya kung saan ito nanggagaling at ng tumingin siya sa northwest niya, may nakita siyang lalaking nakatayo at nakatingin sa kanila. Hanggang waist lang ang makikita na parte doon sa lalake. From ulo to waist lang. Napatingin na si Kate sa ibang direksyon.

Kate: Uhh ... Baka gusto niyo ng umalis?

        There was a moment of silence. Walang nagsasalita. Until ...

Friend 1: Tara na.

Kate: Mabuti naman.

        Umalis na sila sa playground at nagpunta sa may garden nila Kate ngunit malapit pa rin sa playground. Nagkekwentuhan ulit sila ng mapatingin si Kate sa likuran niya. At hayan nanaman. May nakita siyang lalaking nakatayo at nakaputi at nakatingin sa direksyon nila. Napaharap si Kate kay Friend 2 tapos tumingin ulit sa likod. Andoon pa rin 'yung lalaki BUT this time, mas lumapit na sa kanya. Napatingin nalang siya kay Friend 2 pero nahalata ni Friend 2 na may something.

Friend 1: Pasok na tayo.

Friend 2: Tara.

Kate: Uh guys? May sasabihin ako sa inyo.

Friend 1: Huwag muna ngayon!

Friend 2: Kaya nga! Sa school nalang!

Kate: Hindi ko na kaya.

Friend 2: Huwag kasi Kate ah.

Kate: Sige na nga. Mamaya na.

        Around 4 na ng maligo na sila at naghanda para sa school. Pagdating nila sa school, dumiretso sila sa pwesto nila tapos nagsimula ng magkwento si Kate. Noong time raw na may naririnig si Kate sa playground, WALA raw naririnig 'yung dalawa PERO may nakita si Friend 1 sa bandang north west niya so pareho sila ng nakita ni Kate. 'yun nga lang, wala siyang narinig. Nung bandang nasa garden naman sila, napansin ni Friend 2 'yung naging reaction ni Kate at halatang may nakita siya.

        In just an hour, apat na agad ang nakita ni Kate. THE END. :3

True to Life Ghost StoriesWhere stories live. Discover now