Chapter 8: Looking through the Eyes of ...

69 1 0
                                    

        Nasa kwarto kami nung pinsan ko noon. Nagkekwentuhan ng may napansin akong kakaiba sa mata niya. Hindi "normal" 'yung kulay ng mata niya. 'yung pinakagitnang itim eh nagshape ng TAO tapos 'yung brown/black (sa mga foreigners eh may green at blue) sa mata niya eh medyo nagkulay puti or let's say grayish. Sinabi ko sa kanya kaya naman tumayo ito at nagpunta sa salamin para icheck. Tinignan niya kung 'yung paligid ba 'yung nagcacause ng kulay pero hindi. Chineck ko ulit pero ganoon pa rin. Yumuyuko nalang siya tapos tumatawa.

        Maya-maya pa'y tinawag namin 'yung kuya ko at sinabi sa kanya 'yung nasa mata nung Ate ko.

Kuya: Oo nga nuh? Bakit ganyan 'yan?

Ate: Hindi ko alam.

        May mga times na tumatawa or yumuyuko si Ate.

Kuya: Ooooh! May nakikita kayo nuh?

        Napahinto si Ate. Nakatingin lang siya sa amin habang nakangiti.

Ako: Katabi namin??!!!!

Ate: Oo.

        Ang pinsan ko ay nakakakita rin. Halos silang pamilya eh nakakakita maging ang parents niya and siblings. Humiga na rin kasi ako noong una para patunayan sa sarili ko na hindi ako 'yung nasa mata ni Ate. Pero kahit nakahiga ako, nandoon pa rin 'yung human-like image sa mata ni Ate. Kung patitinginin ko naman siya sa ibang direksyon, napupunta sa gilid 'yung image na 'yun. Hanggang ayun nga. Umamin! Confirmed. Katabi ko na pala.

        Heto namang kuya ko, kung ano-ano pang ginawa. Like,

Kuya: Nasaan 'yung ulo niya? Heto ba? *hahawakan/kakapain*

        Tapos ito namang si Ate, sasabihin niya. Hindi pa doon nagtatapos 'yun, maya-maya pa'y naging dalawa na 'yung human-like projection sa mata ni Ate. Dalawa na sila at ako pa ang nasa gitna. Shocks! Sabi ni Ate, babae at lalaki raw. Oh no!

A/N: Don't forget to read my other work po. :)) Carnival Love. Hihi. Thanks! :D Pasensiya na kung makulit po. ^_____^

True to Life Ghost StoriesWhere stories live. Discover now