"Ms. Sarmiento, coffee please." Utos ng hari sa intercom.
Pansamantala niyang iniwan ang kanyang ginagawa para gumawa ng kape nito.
One week had passed, at nagpapasalamat siya dahil kaswal ang pakikitungo nito sa kanya.
Kadalasan nga ay masungit ang lalake.
Good for her, dahil nagagawa niya ng maayos ang trabaho niya.
Ipapasok na sana niya ang kapeng ginawa niya sa office nito ng may kumatok. Pansamantalang inilapag niya ang kape at binuksan ang pinto.
"Yes, what can I do for you sir?'
Isa itong delivery boy.
"Mam, delivery po para kay Mr. Sid Dwayne Morales. Paki-sign na lang po dito." Inabot nito sa kanya ang papel.
Nagpasalamat ito pagkatapos umalis na. Bigla siyang napakunot ng noo.
Wait.
Kabilin-bilinan niya na kapag may delivery or package si Dwaye ay itawag sa kanya at siya na ang kukuha sa baba.
How come na may naka-akyat na delivery boy dito sa taas?
Napamura si Ap, pagtingin niya sa kahon, her instinct telling her something wasn't right.
"Ms. Sarmiento, where's my coffee?" Umalingawngaw ulit ang galit ng boses nito sa intercom.
T*ng*na, nagmamadali?
Pinindot niya ang intercom. "Can you wait for a minute sir?"
Inilabas niya ang swiss knife mula sa drawer at maingat na binuksan ang kahon.
Mr. Morales had given her the permission to open every parcel for him.
Hindi na ata nakatiis ang lalake. Lumabas na ito sa opisina nito.
"What's taking you so long?" inis na bungad nito sa kanya.
Tumahimik ito ng mapansin ang ginagawa niya.
"F*ck! Sabi ko na nga ba." Bulalas niya ng makita ang laman ng kahon.
Meron itong itim na bulaklak at may note "Morales malapit na ang katapusan mo!"
Napatiim ang bagang nito ng magsalubong ang kanilang mga mata.
"D*mn!" mura nito sabay hawak sa noo.
"May idea ka ba sir, kung sinong nagpadala sayo niyan?"
Umiiling-iling ito "Wala?"
"Kaaway sa negosyo? Babae?" tanong niya ulit dito.
Subukan nitong sumagot ng babae at bibigwasan niya ito.
"Negosyo marami, babae? I don't think so. I don't even have time na tumingin sa isang babae."
"Very good."
Bumilis ang tibok ng puso niya sa huling sinabi nito.
Walang time? Seriously?
Biglang bumigat ang pakisamdam niya.
That only means one thing.
Danger.
Mabilis niyang iginala ang paningin sa paligid hanggang mahagip ng mga mata niya ang isang taong my hawak na baril sa katapat na ibuilding.
Sh*t, sniper!
Mabilis siyang kumilos at tinulak ito papunta sa ilalim ng mesa si Dwayne.
She covered him with her body.
Saktong nabasag ang salamin dahil sa tama ng bala.
T*ngn*.
Inilihis niya ang kanyang palda at mabilis niyang kinuha ang baril at pinaputukan din ito.
"Stay here." Utos niya dito.
Nakipagpalitan siya ng putok. She's using a silencer gun too.
Kaya tunog lang ng nababasag salamin ang umaalingawngaw sa palaigid.
Maya maya'y nakita niyang natumba ito.
Tatakbo sana siya palabas, nang may mahigpit na braso ang pumigil sa kanya."Enough, tumawag na ako sa mga police. Let them do their job." sabi nito sa kanya. Pagkatapos niyakap siya ng mahigpit.
Pilit niyang binaklas ang mga braso nito
"Wait sir, may kailangan lang akong tawagan."Kung hindi pa siya kakalas dito baka mahalikan niya ito ng di oras.
Hindi matatawaran kaba ang naramdaman niya ng makitang may nakaumang ang baril dito.
P*p*tayin ko yang tangn*ng y*n.
Pasalamat siya at hindi ito magaling na sniper. Mas magaling siya dahil natamaan niya ito.
She immediately dialed her cousin's Quen number.
"Hey cousin, are you busy?"
"Why?" Maikling sagot nito sa kabilang linya
"May ipapa-trace ako sayo, I'll send you the detail. Hack their CCTV's too."
"I'm on it." Pinutol n anito ang tawag.
Si Quen lang ang maasahan niya ngayon. Gaya ng sabi ng kapatid niya ay busy ang iba niyang mga pinsan gaya nina Thor at Jenna.
Muli siyang napamura. Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Morales.
"Sir, mauuna na po kami. I-update nalang po namin kung may lead na sa kaso." Narinig niyang paalam ng pulis sa lalaki. Bakas na lang ng dugo ang natagpuan ng mga ito sa kabilang building. Hindi nila naabutan ang lalaking bumaril sa binata.
"Salamat officer." sagot nito at nakipagkamay.
Sinabi ni Dwayne na ito ang nakipagpalitan ng putok. Samantalang siya ay nang-gigil sa sulok habang kinokontak si Caius. Ang isa sa mga agent nila. Ito na ang bahala sa mga pulis. Hindi kasi basta-bastang baril ang gamit niya.
Kung sana hinayaan lang siya ni Dwayne na makalabas. Naabutan sana niya ang kung sino mang poncho pilato na bumaril dito.
Umupo ang binata sa kanyang swivel chair at napahawak sa noo.
Hindi na ito biro, kung dati threats lang ngayon kumikilos na sila.
Tumayo siya at humarap "We need to find out kung sino ang may pakana nito sir."
Tumingin ito sa kanya bago sumagot. "What do you suggest miss Sarmiento?"
"I'll discuss to you later; I need to call my brother first, dapat niyang malaman ang nangyari."
"May meeting pa ba ako?" tanong nito habang hinilot ang sentido.
He looks tired and confused, sino ba naman ang hindi muntikan na itong mabaril sa harapan niya.
Tinignan niya ang schedule nito "3:00pm sir, with Mr. Franciso"
"Cancel it." Sagot nito, habang hinihilot ang sintido.
"Okay sir."
Iniwan niya muna pansamantala ang lalake para kahit paano makapagpahinga ito.Maya-maya'y tumunog ang intercom sa tabi niya.
"Miss Sarmiento fix your things aalis tayo."
"Copy sir."
Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit.Gusto niyang tanungin kung saan sila pupunta ng makasakay sila sa elvator ngunit pinili niyang manahimik hanggang sa makasakay sila sa Aston Martin na sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
I'm His Bodyguard
ActionHighest Rank #1 in R-18 #1 in Action #1 in Comedy #1 in Past Being his substitute secretary slash bodyguard is not easy. Kung ang babantayan mo ay ang arogante at may pagka-maniac na boss ng kuya mo. Kung hindi lang niya mahal ang kapatid ay hinding...