Itinali niya ang lalaking nahuli, tiniyak niyang hindi ito makakatakas. Pansamantalang binusalan niya ang bibig nito dahil panay ang pagmumura.
Nakakarindi.
"Sir, alam mo ba paano magpaputok?" Tanong niya kay Dwayne na mataman siyang pinapanood sa ginagawa.
He smirked.
"You knew very well na magaling akong magpaputok, Miss Sarmiento." Puno ng kayabangang sagot nito.
Syet, mukhang ibang putok ang sinasabi nito.
Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan.
Ibang putok nga, t*ngene.
Para pa pala siyang beauty queen na rumarampa para sa swim suit competiton.
Ang kaibahan lang may hawak siyang baril.
Umismid siya.
"Yung putok na nakakamatay sir, hindi nakakabuhay ng lahi."
Ini-abot niya dito ang kanyang baril.
"Here, kapag nagtangkang tumakas, paputukan mo. Magdadamit lang ako. Baka mabaog ka pa kapag nadatnan ako ng pinsan kong si Quen na ganito ang suot."
Mabilis siyang kumilos para magbihis.
Nang makapasok sa kanyang kwarto pinindot niya ang pulang buzzer ng kanyang cellphone. Sa kanilang mga agent ito ang nagsisilbing tracker at signal nila for back up or emergency. Hindi uubra ang tawag sa mga mokong na iyon sa ganitong oras.
In less than 10 minutes ay nandito na ang pinsang si Quen, kasama ni Caius. Galing lang kasi sa kabilang building ang mga ito. They decided to buy a place there para malapit lang sa kanya.
At maback-upan siya agad-agad in case something like this might happen.
Halos magkasabay na sumungaw ang mga ito sa pinto.
Eight minutes? Not bad.
Ibinaba ng mga ito ang baril ng makita siyang prenteng nakaupo sa sofa. Habang si Dwayne ay mahigpit ang pagkakahawak sa baril niya.
"What happened?" Caius
"You okay?" Tanong naman ni Quen.
Lumapit ang pinsang si Quen sa kanya at hinawakan siya sa panga.
Nagtangis ang bagang nito ng makita ang kanyang pasa.
"Ouch couz, mashakeet" Maarte niyang reklamo dito.
Nahagip siguro siya ng suntok ng magpambuno sila ng lalaki. Ngayon lang niya naramdaman yung sakit.
Galit na si hulk, aniya ng mapansin ang pagkuyom ng kamao ng pinsan. Kagaya ng kuya Zeus niya ay ibang usapan na kapag sila ni Jenna ang masaktan. Makikipagpatayan ang mga ito. Kasama ng pinsan niyang si Thor.
Nginuso niya ang lalaking nahuli, nagpupumiglas ito at sinusubukang makawala sa pagkakagapos.
"Ayaw niyang sabihin kung sino nag-utos sa kanya."
"He's the one who hit you?"
Tumango siya sa pinsan.
Mapanganib na ngumiti si Quen at walang sabi-sabing sinuntok ito kung saang parte siya may pasa.
Nagpumiglas ang lalake. Muli sana itong susuntukin ni Quen ng pigilan ito ni Caius.
"Stop, you might kill him."
"Papatayin ko talaga ang g*g*ng yan."
Lumapit si Caius sa nakataling lalake at tinanggal ang busal sa bibig nito.
Nagmura ang lalaki. "Kahit patayin niyo ako ngayon, wala kayong mahihita saken!"
"Your wish is my command." Saad ng pinsan at ikinasa nito ang baril.
Napamura si Ap, pinigilan niya ang pinsan. "Kuya, we still need him. Just take him to the white room."
White room, kung saan nila pinapa-amin ang mga nahuhuli nila. May kanya-kanya silang diskarte kung paano. Nilapitan ito ni Quen binusalan ulit nito ang mga bibig, piniringan ang mga mata at kinaladkad patayo.
"Ako na ang magdadala sa kanya, Caius dito ka muna. Ap needs to rest."
Tumango si Caius dito.
Salubong ang kilay na bumaling ang pinsan kay Dwayne.
"Mr. Morales, wear something decent. My cousin is a girl." Bakas ang disgusto sa mukha nito.
Dwayne is still wearing his boxer short. Buti nga may sando na ito.
Palihim siyang napakagat ng labi. Kung alam lang pinsan ang naudlot na mangyari baka hindi lang ang pagmumukha ni Dwayne ang mabasag nito. Pati dalawag egg nito sa baba.
Napakagat siya sa labi ng maalala niya ang katangahan. Muntik na, muntik na naman niyang ibigay ang sarili niya dito.
Sa kanya naman bumaling si Quen. "Put ice on your jaw. Si Caius na ang bahala dito."
"Okay, take care kuya." Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ng pinto.
Tumayo si Dwayne at pumasok sa kusina habang si Caius ay nakakuyom ang kamaong umupo sa sofa.
"Sorry, I failed to protect you. Masakit ba?" Caius
"Nah-ah, not your fault, it's part our job anyway. Mawawala na to bukas."
Nakita niya si Dwayne na may hawak-hawak na yelong binalot nito sa tela. Lumapit ito sa kanya. Bahagya pa siyang napaigtad ng hawakan nito ang mukha niya.
"Anong gagawin mo?"
Pabebe, obvious naman.
Hindi ito sumagot ngunit nagsimula na nitong dampihan ng yelo ang kanyang pisngi.
"Ouch saglit lang naman sir, masakit."
Nagigting ang mga panga nito "Stay still, Huwag kang malikot." Ipinagpatuloy nito ang marahang pagdampi sa kanyang pisngi.
Napanguso siya at pinagmasdan ang seryosong mukha ng boss.
Lumalambot ang ekpresyon ng nito kapag umaaray siya.
Bakas ang pag aalala.
Sumibol ang munting tuwa sa kanyang puso dahil kahit papaano may malasakit ito sa kanya.
Kung itong gwapong mamang ito lang naman ang dahilan ng pagkakaroon niya ng pasa sa mukha, keribambam lang. Basta ito ang laging gagamot sa kanya."
Nag-iwas siya ng tingin ng magtama ang kanilang mga mata. Natatakot siyang mabasa nito ang matagal na niyang itinatago. Napatingin siya kay Caius who was staring intently at them. Hindi niya mabasa ang ekpresyon ng mukha nito, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagkuyom ng kamao nito.
BINABASA MO ANG
I'm His Bodyguard
ActionHighest Rank #1 in R-18 #1 in Action #1 in Comedy #1 in Past Being his substitute secretary slash bodyguard is not easy. Kung ang babantayan mo ay ang arogante at may pagka-maniac na boss ng kuya mo. Kung hindi lang niya mahal ang kapatid ay hinding...