Hindi mapakali si Ap.
Susunduin siya ngayong gabi ni Dwayne. Ipinagpaalam siya nito sa kanyang mga magulang na magdi-dinner silang dalawa ngayong gabi.
She decided to wear a slinky Ralph Lauren dress with a plunging neckline with a high slit. She paired her outfit with a Stuart Weitzman heels, a gold pendant necklace and a bangle. And she kept her hair simple.
Sisiguraduhin niyang maglalaway si Dwayne ngayong gabi at makakalimutan nito kahit pansamantala ang chaka doll na si Zoey.
"Baby girl, nandiyan na si Dwayne." Sigaw ng kanyang knang si Althea sa labas ng kanyang pinto.
Binuksan niya ito at hinila papasok ang ina "Ma, how do I look?" Kinakabahang tanong niya dito
Tumawa ito at dahan-dahan siyang inikot.
"Beautiful as always baby girl. Kanino ka pa ba magmamana?" Mayabang nitong saadAp rolled her eyes, kinurot naman siya ng pino ng ina.
"Hala sige bumaba ka na at baka mainip na si Dwayne."Hinawakan niya ang braso ng kanyang kna at sabay silang bumaba.
Hindi naman siya napansin ng binata dahil abala ito sa pakikipag-usap sa kanyang amang si Zion.Gwapong-gwapo ito sa suot nitong suit parang gusto tuloy niyang yakapin ito at amuy amuyin.
Tumikhim ang ina para mapabaling ang atensyon ng dalawang lalake sa kanila."Oh iho, nandito na pala ang dalawang pinakamagandang babae ng buhay ko." Ani Zion at nilapitan sila. Hinalikan sila nito pareho sa noo at niyakap.
Si Dwayne at walang imik na nakatitig lang sa kanya. Gusto tuloy niyang kumaripas ng takbo papasok sa kwarto. Baka hindi nito nagustuhan ang suot niya
"Hindi pa ba kayo aalis? Mala-late na kayo sa dinner niyo niyan." Untag ng kanyang ina
"Is it okay to wear heels?" Nakakunoot noong tanong ni Dwayne "Le me remind you sweetheart, you are pregnant."
Hindi sa umalis hanggat hindi siya nagpapalit ng flat shoes.
"Let's go."
"Yeah." Alumpihit naman niyang tinanggap ito.
Pakenteyp Ap nahihiya ka pa sa mga magulang mo eh buntis ka na nga! Sita niya sa sarili."Tita, tito aalis na po kami." Paalam ni Dwayne sa mga magulang niya.
"Mag-iingat kayo, alagaan mo ang baby girl ko." Tugon naman ng ama.
Tumango ito.Wala silang imikan habang naglalakad papunta sa sasakyan nito. Naiinis siya parang wala lang dito ang itsura niya.
Balewala dito ang cleavage niyang nakaexpose.
Napasimangot tuloy siya.
Inihinto nito ang sasakyan sa Isang sikat na Restaurant. Dahil sa inis wala na siyang balak antayin ito para pagbuksan siya ng pinto.
Akmang lalabas na sana siya ng magsalita ito.
"Stay there." Mahina itong nagmura at mabilis ang kilos na umikot papunta sa passenger seat para pagbuksan siya.
Dahil siguro sanhi ng pagbubuntis kaya masyado siyang sensitive "Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kasabay kumain pwede ka ng umuwi at iwanan ako dito." Naiiyak niyang saad.
Napatampal ito sa noo pagkatapos ay niyakap siya. "Shh sweetheart, that's not what I meant to."
"Eh bakit kanina ka pa walang imik? Nagmumura ka pa." Nakalabi niyang usal dito
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at inangat.
"Sweetheart, naiinis lang ako sa damit mo okay? Hindi lang ako makapagsalita dahil nakaharap ang mga magulang mo kanina" paliwanag nito."Bakit pangit ba?"
"No!" Mariing tutol nito "You're a goddess. But you are exposing too much skin."
Pinasadahan nito ng matiim na titig ang kanyang dibdib "And I hate it. It should be for my eyes only. D*mn mine! Baka makapatay ako kapag may ibang tumingin diyan." Mahinang mura nito.Tinanggal nito ang suot na suit at isunoot sa kanya "Kung ayaw mong magkagulo sa loob huwag na huwag mong tatanggalin okay?"
Kinagat niya ang labi para mapigilan ang ngiti at marahang tumango. Kinikilig siya pwamis!
Hinawakan ni Dwayne ang kanyang bewang at inalalayan siya papasok ng restaurant. Binati sila ng guard. Natatawa siya dahil kulang nalang itago siya ni Dwayne sa katawan nito.
Malapit na sila sa mesang nakatalaga sa kanila ng may madaanan silang grupo ng mga lalaking nakasuit.
"Morales good to see you here." bati ng isa. Tumayo ito at nakipagkamay kay Dwayne
Dwayne acknowledge the guy "Cervantes!" Anito at tinanggap ang pakikipagkamay ng lalake.
"Woah, who's this beautiful lady?" Kumislap ang mga mata nito habang tinitignan niya. Naramdaman niyang humigpit ang kamay ni Dwayne sa kanyang bewang.
Sasagot sana ito ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Aphrodite?"
"Oh my," nanlalaki ang mga mata niyang saad.
"Caine what are you doing here?" nakangiting saad niya sa binata.
"I'm with this gentlemen." Turo nito sa grupo lalaking kausap ni Dwayne kanina "I thought I was just hallucinating! You look more beautiful than the last time I saw you." Bakas ang paghanga sa mukha ni Caine.
Tumikhim si Dwayne. "Excuse me gentlemen. Kailangan na niyang kumain, hindi kasi pwede sa buntis ang malipasan ng gutom!" Idiniin talaga nito ang salitang buntis
Halatang nagulat si Caine ngunit agad din itong nakabawi "Really? Wow congrats to both of you."
"Thank you." halatang hindi bukal sa loob ni Dwayne ang pagkakasabi dahil hindi maipinta ang mukha nito.
"What was that?" sita ni Ap dito ng makaupo na sila sa kanilang mesa.
"How did you met that Dela Merced?" Nakasimagot nitong tanong.
Sumimangot din siya! Hanep tong lalaking to parang ito ang buntis kung makpagbago ng mood "Bago ko sagutin yan, pwede ba pakainin mo muna kami ng anak mo? Nagugutom na kami!"
"D*mn!" Mariing mura nito pagkatapos ay tinawag ang waiter. Ito na ang bahalang umorder ng kakainin nila.
"Watch your mouth. Baka mamaya paglabas ng anak mo puro mura na ang alam sabihin." nakataas ang kilay na saway niya dito.
"F-- Uhmm fu-dge! I'm sorry! Pakiulit nga ng sinabi mo" malapad na ngayon ang ngiting saad nito
Kita mo to may topak talaga! Kanina hindi maipinta ang mukha ngayon kung makangiti wagas! "Ang alin? watch your mouth?"
"No the other!"
Kumunot ang noo niya. " Baka mamaya paglabas ng anak mo--"
"Stop!" Putol nito "That word pakiulit." Tukoy nito kung saan siya huminto
"Anak mo." Naguguluhan man ay sinunod niya ito
"F-- udge, ang sarap pakinggan."
Naglakbay ang kanyang mga mata sa nakangiting mukha nito.
"Mas masarap ka." Hindi niya napigilang manulas ang mga katagang iyon sa kanyang mga labi.
Nanlalaki ang mga matang tinakpan miya ang kanyang labi ng mapagtanto ang nasabi.Napangisi ito ng pilyo. "Really, sweetheart?"
Nag init ang kanyang mukha dahil sa hiya "Ahm--mm sabi ko mas--arap ba ang pagkain dito?"
Palusot niya.Pakenteyp talaga Ap buntis na nga lumalandi ka pa!
A/N
Totoo Ap?
Meserep? hahaha
Late akong naka UD dito dahil naabutan ako ng power interruption kahapon ashhhar!
Guys papm ako ng gustong magpadedicate wag kayong mahiya...
Shy___
BINABASA MO ANG
I'm His Bodyguard
ActionHighest Rank #1 in R-18 #1 in Action #1 in Comedy #1 in Past Being his substitute secretary slash bodyguard is not easy. Kung ang babantayan mo ay ang arogante at may pagka-maniac na boss ng kuya mo. Kung hindi lang niya mahal ang kapatid ay hinding...