It's confirm.
She is 6 weeks pregnant. Napakagat labi siya ng hawakan niya ang kanyang tiyan.
Hindi niya mapigilang maiyak sa tuwa.
Hindi niya alam na kapalit ng sakit na naranasan niya ay may isang napakagandang regalong ibibigay sa kanya ang Diyos.
"Mommy be extra careful okay? Daddy, here are the vitamins na kailangan niyang inumin." Doctor.
Bakit nandito pa ang lalake?
Hindi ba ito hinahanap ni chackang doll?
Bakit hindi nito sinasamahan si Zoe at ate Deena sa preparasyon para sa kasal nito?
Dumaan na naman ang kirot sa kanyang dibdib.
Hinablot niya ang reseta ng doctor sa kamay ng lalake. "Ako na ang bibili."
Hindi na ito nakipag-diskusyon pa sa kanya.
Hindi naman niya ipagkakait dito ang bata dahil kasama naman niya itong ginawa.
Baka lang masanay siya na nandito ito.
Nalulungkot at nasasaktan lang siya para sa anak dahil hindi niya ito mabibigyan ng isang buong pamilya.
"Anong mga hindi pwede at pwede niyang kainin Doc?"
Usisa nito sa Doctor. Parang ito pa nga ang nagbubuntis dahil kung ano-anong tinatanong nito.Matiyaga naman itong sinasagot ng Doctor. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya tuwing nagngi-ngitian ang mga ito.
Padarag siyang tumayo "Uuwi na ako!" Nakasimangot niyang turan.
Nataranta naman si Dwayne "Sweetheart, be careful." Anitong bakas ang pag-aalala sa mukha at inalalayan siya.
Natawa naman ang Doctor "Okay na daddy pwede na kayong umuwi. Ingatan mo si Misis"
Mas lalo siyang nainis kung makadaddy ang Doctor na to siya lang ang anak? Misis?
"Hindi niya ako misis!" Nakairap niyang saad sa babaeng doctor.
Tumawa lang ulit ang babaeng doctor. "Mr. Morales ito ang isa sa mga sinabi ko, kailangan mong habaan ang pasensiya mo dahil moody ang mga buntis"
Tumango ito. "Okay doc thank you, we have to go." paalam nito.
Nagpatiuna na siyang maglakad. Hindi na siya nagpaalam dahil nanggigil siya sa inis! Maya maya ay nasa tabi na niya ang binata at inaalalayan siya.
"May gusto ka bang kainin?" Masuyong tanong nito ng makasakay na sila ng sasakyan ng binata.
Nauna na kasing umuwi ang kanyang pamilya.
Umiling siya. "Gusto ko ng umuwi."
Hindi na siya umimik hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.
Agad silang sinalubong ng ina "Kumusta, baby girl?"
Pinandilatan niya ang ina. "I'm not a baby anymore ma! Here nga oh may baby na ako sa tummy ko." nguso pa niya sa tiyan.
"Para sa akin, ikaw parin ang baby girl namin anak." Naiiyak na niyakap siya ng ina.
Yumakap din siya ng mahigpit dito "Thank you ma."
Kumalas ito sa yakap niya at bumaling kay Dwayne "Dito ka na kumain, iho."
"No ma, baka may iba pa siyang gagawin."
Mariing tutol niya. Alam niyang napipilitan lang ito dahil sa batang dinadala niya.
Hindi niya alam kung anong pinakain ni Dwayne sa kanyang pamilya at imbes na magwala ang mga ito ng malamang buntis siya ay mas maganda pa ang naging pakikitungo ng mga ito sa binata.
Nakita niya ang saglit na pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Marahil dahil sa mariing pagtutol niya.
Ngunit maya-maya lang ay ngumiti na ito "Sige po, tita."
Inirapan niya ito at nagmartsang naglakad patungo sa kanyang kwarto. Naiinis siya dahil gustong-gusto niyang umasang hindi nito itutuloy ang kasal kay Zoe. Ngunit ayaw naman din niyang magpakasal ang binata sa kanya dahil sa responsibilidad.
Hinaplos niya ang tiyan.
"Baby, I'm sorry if mama couldn't give you a whole family."Hindi niya namalayang umiiyak na siya. It maybe the hormones. "If only your dad, will choose us." Ngunit alam niyang imposible.
Hindi niya namalayang nakatulugan na niya ang pag iyak.
Napaungol siya ng magising dahil sa pamilyar na mga haplos sa kanyang mukha.
Nagmulat at nasalubong ang mga mata ng taong pinaggalingan nito.
Her heart somersault ng masalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagsuyo."Kanina pa kita gustong gisingin but I don't have the heart to wake you up. Your sleeping like a baby." malambing nitong usal.
"Pero sweetheart, it's past lunch time na. Baka nagugutom na kayo ni baby."Agad namang nagreact ang baby sa kanyang tiyan. Biglang kumalam ang kanyang sikmura.
Natawa ito ng marinig ang tunog ng kanyang tiyan "See? Our baby agreed."
Hindi ipinahalata ni Ap ang katuwaang lumukob sa kanya ng marinig ang sinabi nito. Our baby? ang sarap pakinggan!
Ngumuso siya para pagtakpan ang ngiting nais sumilay sa kanyang mga labi.
"Maghihilamos lang ako, mauna ka na susunod na ako."
Nagulat siya ng paglabas niya nandun parin ang binata. Masuyo itong nakatingin sa kanya.
"Pregnancy suits you."
Parang nagkaroon ng wrestling sa loob ng puso niya ng marinig ang sinabi nito.
Lord pwede bang pagbigyan mo ako kahit ngayon lang?
Pwede ko bang sulitin habang nandito pa siya sa tabi ko?
Napakagat siya ng labi at napasinghot. Ganito siguro ang buntis napakaemosyonal.
Nag alala namang lumapit agad si Dwayne sa kanya. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Maingat nitong niyugyog ang balikat niya.
"Sweetheart, answer me."
Umiiling siya, "o--kay lang ako."
Hinawakan nito ang kanyang mga pisngi "Sigurado ka?"
She nodded.
Mukhang nakahinga ito ng maluwag. Niyakap siya nito ng mahigpit
"Don't scare me like that sweetheart. Let me know kung anong nararamdam mo " Hinalik halikan ni Dwayne ang kanyang buhokPwede bang huwag ka ng magpakasal sa kanya?
Ako nalang Dwayne!
Kami nalang ng anak mo!
Gusto niyang isatinig ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob. Pinikit niya ang mga mata at ninamnam ang init ng yakap nito.
A/N
Wew!
Theo James sana ako nalang! haha
Happy 5k reads guys!
I owe everything sa inyo at nagtiyaga kayong basahin.
Sa mga nagvovote at nag aadd sa library nila
Guys pa follow ako want kong magdedicate sa inyo ng chapter
Bilang pasasalamat. Ipm niyo ko guys!
Lab yuuuuu!
(Yung dating 5k ngayon 2m na.)
2021Shy__
BINABASA MO ANG
I'm His Bodyguard
AzioneHighest Rank #1 in R-18 #1 in Action #1 in Comedy #1 in Past Being his substitute secretary slash bodyguard is not easy. Kung ang babantayan mo ay ang arogante at may pagka-maniac na boss ng kuya mo. Kung hindi lang niya mahal ang kapatid ay hinding...