Bodyguard-38

66.4K 1.3K 24
                                    

Maagang nagising si Ap ng umagang yun dahil kumakalam na ang kanyang sikmura.

Hinaplos niya ang kanyang tiyan "Anak, ang takaw mo naman." nagingiti niyang bulong.

Dumiretso siya sa kusina ngunit napatda siya sa nabungaran.

Literal siyang naglaway sa gutom hindi sa pagkain kundi dahil sa katawan ni Dwayne na nakahain sa kanyang harapan.

Kanin please!

Nakatupi ang puting long sleeve nito hanggang siko at nakabukas ang tatlong butones nito sa harap.
Abala ito sa pagluluto.

Hindi makatarungan ang pagfle-flex ng muscles kapag gumagalaw ito.
Mas lalo siyang nagugutom.

Nitong mga nakaraang araw halos dito na tumira sa bahay nila ang binata.

Palagi siya nitong pinagluluto bago ito pumasok sa opisina.

Napapansin kasi niyang mapili ang baby nila.
Hindi siya makakain kapag hindi luto ni Dwayne.

Pinagpawisan niya ng malapot ng bahagyang tumagilid ang binata at sumungaw ang abs nito.
Napakagat siya ng labi ng makaramdam ng init ng gumapang sa kanyang katawan.

Pakenteyp, Ap.

Bakit ang pervert mo.

Halos mapatalon siya ng biglang may kumurot sa kanya.
"Wuy sissy,laway mo punasan mo." Nakangising tukso ni Harmony sa kanya.

Limang Buwan na ang tiyan nito kaya malaki na. Samantalang hindi pa mahahalata ang sa kanya.

"Shh ano ba sissy, ang ingay mo." Naiinis na saway niya sa hipag at hinila niya ito palabas ng kusina. 

Humagikgik si Harmony "Alam ko ang  pinagda-daanan mo sissy." Inilapit nito ang mga labi sa tenga niya at bumulong

"Ganun talaga ang buntis mahilig." 

Namumulang inirapan niya ito. "Ikaw, tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo ah."

Harmony rolled her eyes "Hai naku sissy ,denial ka pa. Kulang nalang kainin mo si Dwayne." Humagikgik ulit ito

Kinurot ni Ap ang hipag  "Kainis ka naman eh. Ang ingay mo." 

"Hon, where are you? Papasok na ako." Nagtinginan sila ng marinig ang kanyang kuya Zeus.

"Hala, pumasok ka na sa kusina sissy at papabaunan ko pa ang mister ko." Pilyang saad nito at iniwan siya.

Naiiling na sinunod niya ang sinabi nito. Papunta na siya sa kusina ng masalubong ang nakangiting si Dwayne.

"Good morning, I'm about to wake you up." bati nito

Napalunok si Ap bago sumagot pakenteyp talaga.

His abs are disturbing her.

Parang gusto tuloy niyang padaanan ng kanyang mga kamay.

"Uh---" Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil may bumabara sa kanyang lalamunan.

Napangisi si Dwayne. "You can touch it, sweetheart." Pilyong saad ng mahuli siya nitong nakatitig sa katawan nito.

Namula siya sa pagkapahiya.

Tengeney kasi Ap, ang manyak mo.

Hindi pa siya nakakabawi sa pamumula ng ginagap ni Dwayne ang kanyang mga kamay at iginiya pahaplos sa dibdib nito.
"Baka magtampo si baby sweetheart, kapag hindi mo nahawakan." Nakangising saad nito.

Namilog ang kanyang mga mata ngunit hindi niya binawi ang mga kamay sa halip kusa iyong gumalaw.
She traced his well defined abs.

Nanigas siya when Dwayne sexily groaned at walang sabi sabing inangkin ang kanyang mga labi.

Oh how she missed his lips.

Mula sa mga abs nito inangat niya ang isang kamay payakap sa batok nito at sinuklian ang mga halik nito.
Bahagyang natigilan si Dwayne, marahil nagulat ito sa kanyang mainit na pagtugon ngunit ng makabawi ay agad nitong pinalalim ang halik.

"D*mn you Morales, kung makapapak ka sa kapatid ko, akala mo wala ng bukas." 

Agad silang naghiwalay ng marinig ang sigaw ni Zeus.

Nakita ni Ap ang madilim na mukha ng kapatid habang akbay nito ang asawang si Harmony na malawak ang pagkakangisi.

Lagot ka saken mamayang bruha ka!

Banta niya sa isip.

Ngunit mas nalaglag ang panga niya ng makita ang mga magulang.

Seryoso ang mukha ng ama samantalang nangingiti naman ang kanyang ina.

Nahihiyang itinago niya ang mukha sa dibdib ni Dwayne.

Dwayne chuckled. Hindi man lang kababakasan ng takot ang mukha. "I'm sorry, I couldn't help it." Anito habang hinahaplos ang buhok niya.

"Hala sige na Dwayne, pakainin mo na ang mag ina mo." Putol ng inang si Althea sa nakakahiyang sitwasyon.

Ni hindi niya malingon ang mga ito sa hiya.

"Sweetheart, let's go baka gutom na kayo ni baby." Masuyong aya nito sa kanya.

Nakayuko siya hanggang kusina. Pati ata hanggang talampakan niya namumula. Pinaghain siya ni Dwayne at ito pa ang nagsubo sa kanya.

Pakiramdam niya nalulunod siya sa bawat titig nito. 

"Want more, sweetheart?" Nag-init ulit ang kanyang mukha.

Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang tinutukoy nito. Ang pagkain oh ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila kanina.

Sinalubong niya ang matiim na titig nito. Kung alin man sa dalawa pareho lang ang sagot niya.

"Yes!" pabulong niyang sagot.

 Alam niyang narinig ito ng binata because she saw his Adam's apple moved.

 Pakenteyp sisihin niyo ang hormones ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko!

A/N

Luhhh palusot pa sa si Ap hormones daw? hihi

Guys salamat talaga ng marami

Lab you oolllllll!

Shy__

























I'm His BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon