UPDATE #1

4.3K 30 2
                                    

Ako si Zyra Francesca Mendoza. Fresh- graduate ng highschool, at ina amin kong inlove ako sa bestfriend ko. 

"Uy, Zyra! Samahan mo naman ako!" aya niya. 

"Nakakatamad naman, eh!" sagot ko,

"Dali na, please?" hinawakan niya ang kamay ko at nagpuppy eyes pa, Ok fine, paano ko ba matatanggihan 'to? 

"Oo na! Kulit eh, " sabi ko.

"Yey! Thank you, bestfriend! Kaya naman mahal na mahal kita eh! " sabi niya at niyakap pa ako ng pagkahigpit higpit, sana lang mutual feelings, yung higit pa sa bestfriends. 

"Ito naman! Mas mahal kaya kita!... Lampas bestfriends pa, " sadyang hininaan ko yung mga huli kong sinabi,

"Ano iyon, bestfriend?" takang tanong niya.

"Wala, sige na, magbihis ka na do'n, Kiev Kyler Ledesma!" sabi ko. 

***** 

"BASTA i-maintain mo lang yang healthy lifestyle mo, ituloy lang ang pagkain ng fruits and veggies, exercise pero wag masyado magpagod. " sabi ni Dr. Guevarra kay Kyler. 

"Opo, doc. Salamat po, "  aniya pa.

Pagkalabas namin sa clinic ng doctor niya, agad ko siyang inusisa.

"Best, ano nga ulit yung sakit mo? " tanong ko,

"Rheumatic Heart Disease, damage yung heart valves ko due to inflammation of rheummatic fever which occurs from streptococcal infection. Diba, alam mo naman na nung bagong panganak ako, nagka rheumatic fever, ako?" pag eexplain nito sakin, 

Sa totoo lang, yung last part lang sa sinabi niya ang naintindihan ko, pasensya naman po. Hahahaha.

"Pwede mo bang ikamatay yun?" tanong ko, 

"Oo, kapag napagod ng sobra or emotional stress, ganun. " sabi niya.

"Naku, bestfriend. Ingatan mo sarili mo ha!"  pagpapa alala ko dito, 

"Oo, bestfriend. Para sa'yo at... para sa taong mahal ko. " sabi niya, tama ba yung narinig ko? Para sa taong mahal niya? 

"Taong mahal mo?" pagkukumpirma ko dito

"Ahh, ano.. uhmm, tara kain na tayo!" sabi na lang niya.

"Ok, libre mo ah!" sabi ko dito, 

"O'naman, ano? Pancake House tayo?" sabi niya. 

"Game!" masiglang sabi ko, 

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon