UPDATE #3

1.7K 17 1
                                    


Tatlong araw na ang lumipas mula nung nangyari ang 'insidenteng' yun at tatlong araw ko na din siyang iniiwasan.

Mabuti at summer ngayon, walang pasok kaya't mas madaling umiwas.

Ghad. Hindi pa rin ako makamove on sa first kiss ko!

//phone rings//

Kyler calling ...

Accept     Reject

At muli, ni reject ko ang tawag ng bestfriend ko.

Nagpagulong gulong naman ako sa kama ko na parang tanga, ewan ko kung nahihiya ako o kinikilig, basta hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko! Nyetang garapon yan.

Kawawang garapon, ano? Nadamay.

//phone vibrates//

From: Kyler

Oy. Bestfriend ko. Umiiwas ka ba?

Nag isip ako ng pwedeng ireply sa kanya,

Oo, awkward kaya. Aksidente tayong nagkahalikan, hindi ba awkward yun?

Ayan sana ang irereply ko, pero susko naman. Konting hiya naman!

To: Kyler

Hindi ah, busy lang talaga ako :)

Ayan na lang ang nireply ko.

//phone vibrates//

From: Kyler

Weh? Ikaw, magiging busy? Bakasyon ma po. At... umiiwas ka lang siguro dahil dun sa :* hehehehe.

Argh! Bwisit to eh. Pina alala pa!

Hindi ba siya aware na kinikilig ako ng sobra dahil dun? Dalawang gabi na akong hindi makatulog ng maayos 'no!

Again, naisipan kong magreply sa kanya.

To: Kyler

Kapal nga naman ng mukha, ano? -.-

Nilapag ko na ang cellphone ko dito sa tabi ko, tumayos na ako para ayusin ang kama ko (dahil bagong gising ako) at para makaligo na,

*****

Pagkatapos kong maligo at makapag ayos, kinuha ko ulit ang cellphone ko at ---

1 missed call from Kyler.

2 unread messages.

From: Kyler

Oy. Kita tayo sa park, please? :) 10am.

From: Kyler

Happy Golden Friendship Monthsary! 50 months na tayong mag bestfriend, oy! Ang saya lang :))) Hihihi. Halavyu.

Napangiti ako ng mabasa ang pangalawang message,

Naalala ko pa noon, first day ng highschool, freshmen days...

[Flashback]

"Good Morning Class! I'm your Math teacher, so as your class adviser! Welcome sa Section A! Any new stud-- "

//door opens//

Mula sa pinto, naka kita ako ng isang binatilyo. Maputi ito, singkitin at namumula mula dahil sa pagod siguro, hinihingal ito-- siguro tinakbo mula first floor hanggang dito, third floor.

"G-Good M-Morning po, A-Ako p-po s-si K-Kiev.. K-Ky--- " hindi nito natuloy ang sasabihin dahil nawalan ito ng malay,

Hindi ko alam pero agad akong napatayo sa kina uupuan ko at inalalayan ito papuntang clinic, wala itong malay. Sumenyas naman ako sa titser ko na ako na ang bahala dito.

Pagkadating sa clinic ay agad ko siyang inihiga sa kama don, at dahil may pagkatanga ako-- nasama ako nung binagsak ko siya sa kama.

Nakadagan ako sa kanya at dun ko unang napagmasdan ang mukha niya--- mukha siyang babae.

Namumula mula pa din ito, bumalik lang ako sa ulirat ng nakarinig ako ng mahinang pag ungol nito.

"Uhmm, kuya nurse, pwede bantayan ko muna 'to? " sabi ko,

"Sige lang, ano pangalan ng pasyente? At level pati seksyon." sabi niya.

"Uhmm.. "

Binuksan ko ang bag nito dahil wala itong suot na ID, may isang notebook ang nandun at buti na lang may pangalan.

"Kiev Kyler Ledesma po. Freshmen- Section A. "

.....

Nakaramdam ako ng may kumakalabit sakin kaya't nagising ako, grabe. Di ko namalayan na nakatulog ako.

Ini angat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakangiti,

"Salamat ha, " sabi nito.

"Wala 'yon, Zyra Francesca Mendoza nga pala. Zyra na lang. " pakilala ko,

"Kiev-- "

"Kiev Kyler Ledesma, diba?" pagputol ko sa sasabihin niya at tumango naman siya,

Sa araw na yun, dun nagsimula ang friendship namin pati na rin ang...

...pagkagusto ko sa kanya.

[End of Flashback]

Sa hinaba haba ng pagmumuni muni ko, nandito na pala ako sa park na tinext ni Kyler sakin.

"Oy! Zyra!" pagtawag nito sakin, hindi pa ako nakakalingon ng hilahin nito ang dulo ng buhok ko.

"Aba't-- "

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap na niya ako ng mahigpit.

"Grabe ka magpa miss. " bulong nito,

Kumalas naman ako sa yakap at yumuko, ini angat niya naman ang ulo ko para magtama ang mga mata namin.

"Kung iniisip mo pa rin yung aksidenteng yun, kalimutan mo na yun, ha? Wala lang naman 'yun, " sabi nito.

'Sa'yo wala lang! Pero big deal sakin yun! Enebe!' gusto ko sana sabihin yun kaso, wag na lang.

"At diba matagal tagal na rin tayong mag bestfriend? May sasabihin pala ako sa'yo... "

Tinignan ko siya na para bang nagtatanong ng "Ano-yun?"

.

..

...

....

.....

Ooops. Pabitin muna. :P


My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon