UPDATE #2

2K 13 0
                                    

 

Ang hirap ng ganito, sa dinami rami naman kasi ng tao sa mundo, bakit dun pa sa bestfriend ko? Bakit do'n pa ako nainlove? Leche lang. 

Yung feeling na, dapat tagong tago yung kilig mo?

Yung feeling na, sa kanya wala lang yung mga "i love you", pero ikaw kilig na kilig na pag nasabihan?

Yung feeling na, dapat lagi mo siyang sinusuportahan kapag may crush siya?

Masakit po. Masakit magmahal sa bestfriend. 

Ano kaya kung umamin ako?

Pero, wag. Baka mareject ako eh-- tas umiwas pa. 

EH paano kung mutual feelings naman pala kami? Eh di, sayang?

Pero..

UGH!

"Bestfriend! May daga!" sigaw ni Kyler, 

"Kyaaaah!" sabi ko at agad napatalon sakanya, napapikit naman ako sa takot.

"Joke lang, HAHAHAHAHA, tulala ka kase!" sabi nito,

Isang hampas naman ang natanggap nito sakin kaya napa aray siya.

"Bwisit ka! Ako ang aatakihin sa puso nito eh, " patampo kong sabi,

"Thorry na bespren ko, " sabi niya at inilapit ng todo yung mukha niya sakin,

Dumistansya ako ng kaunti kasi ramdam ko yung init ng mukha ko, 

"Layo nga, ang baho mo, prend. " sabi ko.

"Kilig ka lang eh, HAHAHA, aminin mo! Ang gwapo ko! " payabang na sabi nito, Aba't-- totoo naman. 

"Pisti ka, " sabi ko.

"Ah sows, kunwari pa, kinikilig naman ang bruha!" sabi nito.

"Ewan ko sa'yo, " nag walk out ako para drama effect, hinila niya naman ako sa braso at pagharap ko...

...my lips accidentally touched his lips. 

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon