UPDATE #9

1.2K 11 0
                                    


3:30pm na at nasa byahe na ako paluwas ng Manila, sa totoo lang ay excited ako sa kung ano man'g aaminin si Kyler sakin.

Ayoko naman mag assume agad na mahal niya ako, ako lang din ang talo sa huli, diba? Ako lang ang masasaktan.

Pero, ang sabi ng konsensya ko, ito na yun eh, aamin na daw--

"Mga ate, kuya, pasensya na po pero nasira ang supreme (bus). Ibabalik na lang po namin ang mga bayad niyo, " sabi ng konduktor.

Hala, eh malelate na ako! Shit. Malayo pa ako eh!

Pagkakuha ko ng sukli ay agad akong pumara ng tricycle at sa sakayan ng jeep ako nagpahatid,

Sa tingin ko ay haggard na ako dahil magulo na ang buhok ko dahil sa hangin at mukhang madumi na din ang mukha ko dahil sa mga usok na nalanghap ko.

Pagkadating ko sa sakayan ng jeep, saktong may isang jeep na kulang ng isa at babyahe na. Oh Lord, thank you po.

Nagbayad ako at sinabing sa sakayan ng van ako bababa, tinignan ko ang relo ko at 3:52 pm na. Medyo kinakabahan na ako dahil malayo layo pa ang byahe ko,

Aba nga naman! Ang swerte ko kanina ah, an'yare? Traffic na, umuulan pa! Wala akong dalang payong. Lagot.

Binuklat ko ang bag ko sa jeep at hinalungkat ang jacket ko, buti na lang at sa bandang ibabaw ko ito nailagay.

"Para po!" sigaw ko dahil nandito na pala ako sa sakayan, at huwaw.

Wala ng van dito.

Patay.

Tinanong ko yung barker dun at sinabi na may mga darating pa naman daw siguro after 20minutes pa, matagal din yun

Kung alam ko lang kase na ganto eh di sana maaga ako umalis. Tsk.

Kaya naman, sumakay na lang ako ng taxi hanggang Manila. Aba! No choice na ang lola niyo,

//Manila//

Palakpakan naman jan oh! Traffic kasi oh! At mga pare, 5:15pm na! Late na ako sa usapan namin ni Kyler, kaya naman nagbayad na ako ng taxi at bumaba na.

Tinakbo ko na lang since malapit na ako sa Pandacan.

Sige, Zyra! Takbo pa! Para kay Kyler mylabs!

*****

[Kiev Kyler Ledesma's POV]

5:20pm na at wala pa din si Zyra, naiiyak na ako dahil medyo nawawalan na ako ng pag asa. Umuulan dito at wala akong payong, hinahayaan ko lang ang sarili ko na mabasa.

Iyak lang ako ng iyak hanggang nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Wag naman po ngayon,

Kinapa ko ang bulsa ko at-- Shit. Wala akong dalang gamot!

Nahihirapan na akong huminga ng biglang---

"Kyler!"

Napalingon ako sa gawi niya at pilit na ngumiti, nakita kong hingal na hingal siya at...

...everything went black.

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon