UPDATE #4

1.4K 10 0
                                    


"Ano kasi... uhmm.. " tila nag aalinlangan pa si Kyler na sabihin,

"Naman eh, pinag titripan mo lang ata ako eh!" sabi ko.

"Kasi ano.. g-gusto k--- " tumigil muna siya at huminga ng malalim,

"Wag na nga, " sabi nito,

"Kyler naman eh!" pagmamaktol ko, hindi naman niya ako pinansin.

"Huy! Anong gusto mo?" pangungulit ko.

"Ikaw. "

Natigilan ako sa sagot niya, gusto niya ako? Talaga--

"Joke lang. Ano ba. Nakikita mo 'yun?" turo niya sa isang babae, parang kilala ko to ah!

"Si Tracy Collins ba yun?" pagtatanong ko, si Tracy Collins ang campus cheerleader namin, nung una, akala namin mean girl, pero jologs din pala!

"Oo, at gusto ko siya. Gustong gusto ko siya, Zyra. " sabi nito,

Muli akong natigilan, gusto niya si Tracy? At liligawan niya?

Wow. Just wow. Anong panama ko sa isang Tracy Collins?

"E-Excuse M-Me. I have to go, bye. " sabi ko,

Dali dali akong tumakbo pauwi habang tumutulo ang luha ko,

Nasasaktan ako. Ikaw ba naman, malaman mo na may ibang mahal yung taong mahal mo, matutuwa ka?

Shit. Masakit talaga. Feeling ko sinaksak ako ng ilang beses sa may dibdib, hindi ako makahinga.

Bilang bestfriend niya, ina asahan kong hahabulin niya ako at itatanong kung may problema ako.

Pero wala.

Walang Kyler Ledesma na humabol sakin.

Dahil sa lumingon ako, hindi ko napansin na may bato pala sa dinaraanan ko, kaya naman nasubsob ako sa daan-- mabuti at walang nakakita. Leche.

Hindi ko alam pero hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, dagdag mo pa ang biglang ulan kaya mukha akong siraulong nakalupagi sa gitna ng daan habang umiiyak.

Itong sugat ko sa tuhod? Wala pa sa kaunti ang sakit niyan sa nararamdaman ng puso ko ngayon,

Sobrang sakit lang.

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon