UPDATE #8

1.3K 8 0
                                    

Natapos ang buong maghapon ng hindi nagrereply ang bestfriend ko, aaminin ko, naguguluhan ako sa nararamdaman ko, na- guiguilty, nalulungkot, naiinis-- basta! Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko, naiiyak din ako dahil sa frustration.

Masama daw sa kalusugan ko ang makaramdam ng ganto, pero hindi ko naman maiiwasan eh lalo na't nasa gantong sitwasyon ako. Lintik namang yan.

[Zyra Francesca Mendoza's POV]

"Iska, par'ne na at kakain na, " sigaw ni Nanay Lolita samin ng mga pinsan ko,

"Chaka talaga ng "Iska" eh, " natatawang kumento ng pinsan kong si Joanna habang umaahon kami sa dagat na pinagliguan namin, at Iska ang palayaw ko dito sa probinsya.

Pagkadating namin sa bahay, naghahanda na si Nanay ng pagkain kaya't pinaligo niya muna kami bago kumain.

*****

"Joanna, nagmahal ka na ba?" tanong ko dito,

"Ah, oo. At naranasan ko na din ang heartbreak kasi parte yun ng pagmamahal." sabi nito sakin,

"P-pano mo nalampasan ang heartbreak?" pasimpleng tanong ko,

"Simple lang, happy thoughts. Atsaka, isipin mo na dumating yung taong yun sa buhay mo dahil may rason, it's either blessing sila or lesson. " aniya.

"Mahirap ba mag move on?" tanong ko,

"Depende. Kung gusto mo, madali pero it takes time to heal the wound. Kung ayaw mo naman, sadyang mahihirapan ka. " sabi pa nito at tumango tango na lang ako saka kami bumaba para kumain.

Pagkababa namin, naabutan namin si kuya Zandrei na kumakain na,

"Uy, Zyra, may nagtext sa cellphone mo. Nandun sa kwarto ko, naka charge. " sabi nito,

"Ah okay, pabayaan mo yun. Baka TM lang yun na may bago silang promo. " sabi ko.

*****

Pagkatapos namin kumain, si Joanna ang naka toka sa paghuhugas ng pinggan kaya't pumanhik na ako pataas para tingnan din kung sino ang mga nagtext.

3 messages received

Lahat puro kay Kyler galing, pero naintriga talaga ako dun sa isang message eh.

May aaminin daw siya? Ano kaya yun? Bukas daw ng 5pm ko siya tagpuin.

Ano nga kaya yun?

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon