UPDATE #7

1.2K 10 0
                                    

Naka ilang missed call na ako kay Zyra, ni isa ay wala pa siyang sinasagot. Pinuntahan ko nga dun sa bahay nila, ang sabi naman nung kapitbahay, umalis raw yung magkapatid. Umuwi daw sa Plaridel.

Walangya. Gusto ko lang naman linawin kung talagang may gusto siya sakin kasi ano, kasi... basta. Gusto ko lang linawin.

Naisip ko lang, hindi ba siya nakakahalata sakin kahit isang beses? Nagpapakita na naman ako ng ilang motibo,

At dahil ayaw niya sagutin ang phone niya, hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo. Shit. Wag ngayon, please.

Nangangatal ang mga kamay kong pumindot sa cellphone ko habang nagtetext,

To: Zyrarara

Bestfriend? Paramdam please. Usap naman tayo please.

To: Zyrarara

Zyra please. Talk to me. Im hella paranoid.

To: Zyrarara

Bukas. 5pm sa park. Please sumipot ka dahil ito na, may aaminin na talaga ako sayo. Promise na.

My Heart Is ON YOU. [Tagalog Sad Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon