Chapter 3

20 2 2
                                    




Alexa's POV

Inaantok pa na kinapa ko ang nag wawalang alarm clock sa side table para patayin iyon ngunit nahulog 'yun sa sahig kaya napilitan akong dumilat at bumangon.

"Iha, Alexa, gising na mahuhuli ka sa rehearsal mo." Katok ni manang Fe sa labas ng pinto. Antok na humiga ulit ako at nag talukbong ng kumot. Wala ako sa mood para mag practice tumugtog ng Cello ngayon. You heard it right, I'm a cellist. If you going to ask me why I choose Cello among other instruments, well honestly I don't know too. Actually, I seems that I born to play it. Cello found me. Sabi ni dad boring daw pero ganun pa man sinusuportahan pa rin nila ako. Marahil gusto niya siguro maging isa ako sa mga tinatawag na "hot chick rock star " pero 'di ako 'yun.

Narinig kong bumukas ang pintuan ngunit hindi ko pinansin at natulog ulit.

"Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable

Napadilat ako pero kahit hindi ko tignan kung sino ang kumakanta ay alam ko na. "Anong ginagawa ng mokong na 'to dito?" Tanong ko sa isip ko.

"You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy living life gets hard to do. And I would gladly hit the road get up and go if I knew. That someday it would lead me back to you.That someday it would lead me back to you."

Umikot ako saka inalis ang kumot ko. Nakita ko siya na nakahalukipkip na nakasandal sa pinto.  Malapad na ngumiti siya sakin saka lumapit.

"Anong ginagawa mo dito? Ala sais palang?" Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Pumunta ako dito para gisingin ka?" Gumagalaw galaw na kilay na saad niya sabay upo sa kama.

"Hindi mo na ako kailangan pang gisingin dahil gising na ako."

"Talaga? Kaya pala halos mapatiran na ng ugat si manang Fe kakatawag sayo para lang bumangon ka diyan." Pang aasar niya. Inirapan ko lang siya saka tumayo. Papasok na sana ako sa banyo ng maisip kong biruin siya.

"Sean, pwede wag mo na ulit gagawin 'yung kanina? Ang sakit kasi sa tainga." Gikgik ko saka pumasok sa banyo ng kumanta ulit siya.

"That may be all I need
In darkness she is all I see.Come and rest your bones with me. Driving slow on Sunday morning. And I never want to leave."

Natawa nalang akong nag hilamos at nag sipilyo. "Gutom lang 'yan. Kain na tayo sa ibaba." Pag dating namin sa kusina ay naka handa na ang pagkain sa lamesa.

"Kain na kayong dalawa. Alexa, tumawag nga pala si prof. Imee. Pinapasabi niya na agahan mo daw ngayon dahil may nakita na siyang makaka sabay mo tumugtog mamaya."

"Si prof. talaga kahit kailangan ang kulit. Sino na naman kaya ang nabiktima niya?" Natatawa kong sabi saka subo ng bacon.
Professor ko siya nung college at siya din ang nag co-coach  sakin sa pag tugtog. Dati kasi iba ang nag tuturo sakin pero dahil nag kasakit  ito kaya si prof. Imee ang pumalit. Sobrang bait at galing niya. Family friend din namin siya kaya ganun nalang ako kalapit sa kanya.

"Sumabay ka nalang sakin pag punta mo sa studio." Tumingin ako kay Sean na nakatingin din sakin ngayon.

"Hindi mo ba ako papanoorin?" Lumongkot ang mga mata niya at nag iwas ng tingin. Uminom siya ng tubig saka muling tumingin sakin.

"Gusto ko sana pero ngayon din kasi ang alis ko, kaya iyon din ang dahilan bakit ako pumunta dito ng ganun kaaga dahil gusto kong mag paalam sayo."

"Saan ka ba pupunta?" Naiinis na tanong ko pero hindi ako nag pahalata. Lagi kasi niya akong pinapanood kahit practice palang.

"May convention meeting akong dapat puntahan sa Laguna. Mga two weeks akong mawawala."

I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon