Alexa's POVNakatingin ako ngayon kay Sean na nakikipag usap sa kabilang lamesa. Buntong hininga ko naman isinubo ang chocolate chip nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya inilabas ko iyon sa pouch ko.
"Hello?" Bungad ko sa tumawag. Unregistered number kasi ang tumawag sakin.
"Hi gorgeous." Bati ng nasa kabilang linya.
"S-sino 'to?" Kunot noong tanong ko.
"Ouch! Nakalimutan mo na agad ako?"
"Nico?"Tanong ko ng makilala ang boses niya.
"Yeah it's me hahaha.Hindi bagay sa isang magandang tulad mo ang mag isang kumakain at nakasimangot." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang ginagawa ko ngayon?
Tila nabasa nito ang iniisip ko at nag salita muli."Turn around." Ginawa ko ang sinabi niya. Pag lingon ko ay agad ko siyang nakita. Papalapit siya sa pwesto habang nakangiti. In fairness ang gwapo niya sa suot niyang white tuxedo.
"Hey, what are you doing here?" Ibinaba ko na ang phone ko saka binalik sa loob ng pouch.
"To accompany you?" Kibit balikat niyang sabi at malawak na ngumiti. Yung totoo, 'di ba nangangalay ang panga niya kakangiti?
Napailing naman ako. "Hindi nga ano nga ginagawa mo dito?" Ngiting tanong ko.
"Family friend namin si tito Anthony at dahil birthday niya." Tumango nalang ako saka sumubo ulit ng chocolate chip.
"Chocoholic ka pala?" Gikgik niya sabay kamot sa kilay. Oh shemay! I find it sexy. Uminom ako ng tubig para mahimasmasan naman ako kung anu-ano na kasi ang naiisip ko. Well, 'di naman talaga kasi maitatanggi na matipuno't gwapo siya.
"Alexa, hindi ka naman nakikinig sakin eh." Natigil ako sa pag papantasya ko sa kanyang ng tawagin niya ako. Wait, sinabi ko bang pinag papantasyahan ko siya? Mali hindi. Hindi talaga hahaha!
"Sorry, masyado lang akong nadadala dito sa chocolate. Ano nga ulit yung pinag uusapan natin?" Ngiti ko sa kanya pero huminga lang siya ng malalim.
"I think it's better if we're going to take some fresh air outside." Tumayo siya saka hinawakan ako sa pala pulsuhan at hinatak palabas.
Nang makarating kami sa garden ng hotel ay naupo kami sa bench. "Uhm, salamat nga pala sa pag payag mo na tumugtog kasama ko kanina." Lingon ko sa kanya na nakatingin din sakin ngayon.
"Yeah, it's nothing. Dapat nga mag pasalamat pa ako kay tita dahil kung hindi niya sinabi na tumugtog ako kanina eh 'di sana hindi kita nakilala." Malapad na ngumiti siya.
"Tita? Tita mo si coach Imee?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumango siya sakin. "Kaya simula ngayon, ako na ang makaka partner mo mag rehearse. Hindi na kailangan pa ni tita humanap ng makaka sabay mong tumugtog." Napanganga nalang ako sa narinig ko. Hindi ako maka paniwala na tita niya si coach. Grabe lang talaga.
"Naku, thank you talaga. Pero tama ka hindi na siya mahihirapan na humanap ng estudyante sa Greenfield University na maki pag collab sakin." Natatawang saad ko sa kanya.
"Kung kailangan mo ng makaka sama pag nag practice ka tawagan mo lang ako. By the way, para saan ba yung pag re-rehearse mo?" Huminga ako ng malamin at tumingin sa mga bituin.
"Gusto ko kasing maka pasok sa Julliard." Tinignan ko siya at natawa ako sa nagin reaksyon niya. Bumuka ang bibig niya pero agad din naman siyang naka bawi sa pag kagulat.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)
General FictionSean and Alexa have been best friends since they were five, so they couldn't possibly be right for one another...or could they? When it comes to love, life and making the right choices, these two are their own worst enemies. ©All Rights Reserved